Pangulong Duterte ipinag-utos na itaas sa P500 ang buwanang ayuda para sa mahihirap

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Marso 21, ang P200 buwanang subsidy na inaprubahan sa mahihirap na kabahayan ay dapat itaas sa P500.

Ang P200 na halaga ay masyado umanong maliit para sa isang buwang gastusin para sa isang pamilya na may apat hanggang lima kasapi, sinabi ni Duterte sa ceremonial signing ng Public Service Act.

“Inipit ko na si Carlos Dominguez III. Sabi ko na, ‘Iyong P200 medyo kulang ‘yun. So how much can you stretch? Sabi ko, P500 kaya?'” aniya, sa kanyang Finance Secretary.

“Sabi ko, ‘Maghanap ka ng pera kung saan,'” dagdag pa nito.

Sinabi ni Duterte na binalaan siya ni Dominguez tungkol sa mga problema sa pagpopondo ng anim na buwan pagkatapos ng downline.

Kailangan umanong lutasin ng susunod na administrasyon kung paano magpapatuloy ang pagbibigay ng P500 buwan-buwan sa mga pinakaapektado ng pandemya, dagdag niya.

“Sabi ko sa kaniya kanina, ‘Buang, wala na tayo diyan, bahala na sila’,” sabi pa ng Pangulo. “The next president will just have to borrow.”

Basahin: Pangulong Duterte inaprubahan ang P200 buwanang ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya; excise tax sa gasolina mananatili

Inaprubahan ni Duterte noong nakaraang linggo ang P200 buwanang subsidy para sa mahihirap na pamilyang Pilipino bilang alternatibo sa pagsuspinde ng excise tax sa gasolina sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sa briefing ng Palasyo, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan ni Duterte ang dalawang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price [The President has approved the two recommendations of the DOF regarding the fuel price hikes],” ani Andanar.

“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag pa nito.

Basahin: Mungkahi ni Sen. Pacquiao, tig-isang sakong bigas imbes na P200, ”Hindi siguro tayo maka-survive sa P200 para sa tatlong araw’

Post a Comment

Previous Post Next Post