Viral ngayon sa social media ang nakaaantig na video ng isang aso na mistulang napaluha matapos siyang bigyan ng pagkain ng isang nagmagandang-loob na netizen.
Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Francis Greg Dagatan Fans, makikita ang isang aso na mukhang nag-aabang ng makakain mula sa mga nag-uumpukang lalaki sa isang mesa.

Napansin naman ito ng netizen na ayon sa kaniya ay madalas daw talagang manghingi ang aso ng pagkain mula sa mga kumakain sa lugar.
Dahil alam niyang gutom na ang hayop, ang ginawa ng netizen ay binilhan niya ito ng dalawang pirasong chicken breast.
Sayang nga lang umano at dalawa lamang ang mabibili niya dahil iyon lamang ang kasya para sa pera niyang dala.

Matapos bumili ng chicken breast ay lumapit na ang netizen sa aso at tinawag ito.
“Sorry wala na kasi akong pera, pero kahit papaano ay makatutulong ito sa kaniya. Kahit papaano makatitikim siya ng pagkain na hindi galing sa basurahan,” maririnig na sabi ng lalaki.
Halata namang gutom na gutom na talaga ang aso at napaiyak pa ito habang sinusunggaban ang dalawang pirasong manok.

Ayon pa sa Good Samaraitan, kitang-kita niya ang luha ng katuwaan mula sa mga mata ng naturang aso.
Bago maghiwalay, pinaalalahanan pa ito ng netizen na tumabi sa kalsada dahil baka raw mabangga ng mga nagdaraang sasakyan.
Sinubukan ring sumunod ng aso sa kaniya subalit tumigil ito sa isang poste hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay.
Marami naman ang naantig sa ginawa ng mabait na netizen.

“I wish many people will feed the stray animals it breaks my heart to see this dog so many owners abandon their pets but i believe in Karma they will surely suffer hardships for abandoning them thank God there are still few people who are kind to animals,” puri ng isang nagkomento.
“Salamat Kuya for giving food to that poor dog. Continue the good work and God will reward you for that. He will give you more blessings so that you can share more. I am praying for you and for all the stray animals that may they found their home for a better life,” dagdag naman ng isa pa.
I-click ang imahe sa ibaba upang mapanood ang nakaaantig na video: