Mayor Vico kinatuwaan ng constituents matapos maiputan ng ibon habang nag-iinspeksyon

Kinatuwaan na naman sa social ang pagiging down-to-earth at ang sense of humor ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa kaniyang ibinahaging nakakatawang insidente kamakailan lang.

Sa kaniyang Twitter, ibinahagi ng alkalde na naiputan umano siya ng ibon habang nagsasagawa ng inspection sa isang proyekto ng lungsod.

“Tuwang tuwa yung mga nanay kanina nung naiputan ako ng ibon sa ulo at balikat,” ani Mayor Vico na ipinakita pa ang bahid sa kaniyang damit.

Nangyari umano it o sa Barangay Palatiw Lunes nang umaga nang pinasyalan niya ang ginagawang trabaho sa kalsada.

“During inspection of Oplan kaayusan drainage declogging repairs and other engineering works,” patuloy ng alkalde.

Marami naman ang naaliw na mga netizens sa nakakatawang pangyayari.

“Mas ok na yan mayor, kaysa mahulog sa kanal. Sa akin ka na lang mahulog, char. not char,” komento ng isang babaeng tagahanga.

“Nangyare rin yan sa akin Mayor meant to be talaga tayo CHAROT HAHAHAHA,” hirit rin ng isa pang netizen.

Ang iba naman ay nagbahagi rin ng katulad na insidente na kanilang naranasan.

BASAHIN: ‘Happy Sunday, mga pre’: Mayor Vico nakipag-hang out sa mga batang Pasig

Kuwento ng isang commenter, ”Okay lang yan mayor. nung high school ako naiputan din ako ng malaking inahin na nakatambay sa puno tapos sakto pa sa kakabukas ko lang na chooey choco.”

Si Mayor Vico, na anak ng komedyanteng si Vic Sotto, ay kilala sa pagiging mapagbiro sa social media kaya kinaaliwan ng kaniyang mga tagahanga.

Siya ay kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde ng Pasig City para sa kaniyang pangalawang termino at makakalaban niya sa posisyon si incumbent Vice Mayor Iyo Caruncho.

BASAHIN: Mayor Vico kay Vice Mayor Iyo: May sinabi ba ako tungkol sa pamilya mo?

Batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia, si Sotto ang tumanggap ng pinakamataas na approval ratings na umabot sa 92% sa lahat ng alkalde sa buong National Capital Region (NCR).

Nangangahulugan umano ito na kung gaganapin ang eleksyon ngayon, tiyak na ilalampaso ni Sotto ang kaniyang makatutunggali sa pagka-alkalde.

Post a Comment

Previous Post Next Post