Ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang maikli ngunit sweet na birthday message para sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson, na ngayon ay 33 taong gulang na, noong Lunes.
Minarkahan ni Julia ang espesyal na araw ng aktor sa pamamagitan ng pag-upload ng mga larawan nilang magkasama.
“Happy birthday my love, my best friend,” ayon sa post na ibinahagi ng aktres sa IG.
Binati rin ng maligayang kaarawan ng ina ni Julia na si Marjorie at kapatid na si Dani ang Kapamilya actor sa IG stories.
Noong nakaraang taon, dalawang araw lamang bago ang kanyang ika-32 na kaarawan, nang kinumpirma ni Gerald ang kanyang romantikong relasyon kay Julia, na nagtapos ng higit sa isang taon na mga espekulasyon.

Basahin: ‘Love that doesn’t include honesty’…: IG story ni Julia Barretto, hugot o pang- Valentine’s?
Matatandaan na ang Kapamilya aktres ay nagbahagi sa kanyang Instagram Story ng isang quote na “Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be called love.”
Agad naman itong napansin ng mga followers nito sa IG at ini-repost pa sa Twitter ng Showbitz and more, ngunit ang nasabing quote ay nawala na rin sa IG ng Aktres.

May misunderstanding kaya sila ng kasintahang si Gerald Anderson? O baka naman nagustuhan lang niya ang linyahan sa kanyang binasa na mula sa thriller novel ni Alex Michaelides na The Silent Patient?
Basahin: Julia, natanggap ang first ever Rolex watch mula kay Gerald Anderson
Matatandaan din na super bongga ang regalong ibinigay ni Gerald kasy Julia noong Pasko … isang Rolex watch. Wow!

Mapapanood sa vlog ni Marjorie Barretto ang pagreregalo ni Gerald kay Julia. Sa sobrang saya nang makita ang laman ng gift box ay agad niyang niyakap ang boyfriend. Sabi ni Julia, ngayon pa lang siya nagkaroon ng ganoong relo, na agad niyang isinuot.
“This is my first Rolex,” sabi ng magandang aktres.
