'Kapag mahal mo i-date mo sa mamahaling lugar' post kinagiliwan

Kung may budget ka, i-date mo ang mahal mo sa ‘mamahaling lugar’!

Kaugnay ito sa post ng isang netizen sa social media kung saan ay nagbahagi siya ng larawan na may caption na “”Kung mahal mo i date mo.  🙂  Nag date nga pala kami sa Mamahaling lugar.”

Ang naturang post ni Jess MJ Balisina sa kanyang Facebook page, na ibinahagi din ng Kami ay kinagiliwan ng maraming online users at umani ng halos 300 na komento.

Ani Jess sa comment section, “Haha hello mga sis wag papayag na hindi kayo idate sa gasoline station, mahal kaya diyan.”

Dahil sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansang Russia at Ukraine ay apektado rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo. Kaya naman apektado rin ang mga biliin at iba pa nating pangangailangan. Halos araw-araw ay sumisirit pataas ang presyo ng gasolina kaya’t hindi kataka-takang tawagin itong isang ‘mamahaling lugar.’

Maraming naaliw at naka-relate na netizens sa kanilang larawan. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa mamahaling restawran dahil magpa-gas ka pa lang sa mga station ay mapapaluha ka na sa mahal ng presyo. hahaha

“Kami din nagdinner sa Mamahaling Lugar,” ani ng isang netizen na si Jhean.

May ilan ding nag-tag sa kanilang mga kasintahan/partner na doon na lamang magdate, “arat na!” at “sana all na lang!”

Isang netizen naman ang nag-post sa FB ng isang screenshot ng chat.

“Sige, Hug na lang kita kapag nagkita tayo,” mensahe sa chat. Tinugunan naman ito ng kausap ng “Hug lang? Isipin mo naman yung mahal ng gasolina ngayon tapos hug lang?”

Sa mahal ngayon ng gas ay puwede mo na rin itong pangregalo “‘Yung Jowa mong bibilhan ka ng isang container na Gasolina, Salamt Panggaaa Cheryl iloveyou.”

Marami rin ang humuhugot dahil mabuti pa ang gasolina nagmamahal, “Kung ang gasolina ay mahal, sana ako din.”

Oh ‘yung mga hindi pa jowa diyan, sagutin n’yo na ang masugid n’yong manliligaw na kahit napakalayo mo ayo handa ka pa ring puntahan at ligawan.

Payo naman ng iba, “Mahal na ang gasolina, wag mo ihatid pag “di mo jowa.”

Sana bumalik na sa normal ang lahat at mawala na rin ang mga virus kasabay ng pagbabati ng mga bansang nagkakagulo ngayon upang bumaba na rin ang presyo ng mga bilihin.

Kawawa din ang mga driver dahil sa hirap ng pasada kasabay pa ng init ng panahon at may virus pa! Hay! Laban lang!

Post a Comment

Previous Post Next Post