Aubrey Miles @42: 'When I reached my 40s, I suddenly realized that I have no shame and nothing to hide'

Ipinagdiwang ng aktres na si Aubrey Miles ang kanyang ika-42 na kaarawan noong Marso 16, Bilang tanda ng espesyal na okasyon, ipinost niya sa Instagram ang isang ”freedom’ photo.

“My vibe ever since. When I reached my 40s, I suddenly realized that I have no shame and nothing to hide. What’s there to hide anyway?” ayon sa caption ni Aubrey.

“I’m just sharing how much fun it is to have freedom that I choose for myself. I’m 42 now and how many more years do I wish to live? 30 or 42 more years? hmmm That’s why, I go for it! I try to live my life freely but with care. If that makes sense.”

Binati rin siya ng long-time partner na si Troy Montero sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Happy Birthday my Sweetness,” pagbati ni Troy na sinundan rin ng iba pang celebrity friends ng aktres gaya nina Iza Calzado, Mariel Padilla, Diana Zubiri at iba pa.

May dalawang anak sina Aubrey at Troy; sina Hunter at Rocket. May anak din si Aubrey sa dating nakarelasyon na nagngangalang Maurie.

Kamakailan ay nag-post ang aktres kaugnay sa kanyang nalalapit na kaarawan at ng kanyang anak. Ninais nilang subukan ang mamuhay sa isla sa loob ng isang buwan kasama ang buong pamilya.

Mananatili muna ang mag-anak sa Boracay dahil pakiwari nila ay malapit nang magsimula ang pagbubukas ng klase.

“It’s my birthday month as well as my eldest son’s, so we’re staying in Boracay for a month. We just want to show the kids how’s life [like] around the island. We feel that school will be opening soon, and this is our only chance,” aniya.

Gaya ng nakikita sa kanyang IG account, si Aubrey at ang kanyang pamilya ay nag-e-enjoy sa beach at sumusubok sa mga aktibidad tulad ng fishing at parasailing.

“I might ask the kids to work part-time here,” pabiro niyang sabi sa kanyang Day 1 Island Living post sa IG.

One month of bliss in Boracay! Wow!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

Post a Comment

Previous Post Next Post