Ipinagtanggol ni Dynee Domagoso ang kaniyang mister na si Mayor Isko sa mga kritiko ng presidential aspirant na nagsasabing ‘nagmamadali’ itong maging pangulo.
Sa panayam ni Boy Abunda sa ‘The Boy Abunda Talk Channel’, palaban ang misis ni Yorme sa mga tanong ng host at halatang bilib na bilib siya sa kakayahan ng kaniyang asawa.

Ayon kay Dynee, napatunayan na ni Yorme ang pagiging epektibo at tunay na lider matapos pamunuan ang Lungsod ng Maynila habang nasa kasagsagan ng pandemya.
TInawag pa niya itong proactive at visionary na may napatunayan na bilang ‘crisis manager’.
“Si Isko may napatunayan at malaking factor ‘yung dumaan sa ating pandemya ngayon because we need a good crisis manager. There’s gonna be an aftermath after this. We’ve seen the pandemic, mas malala ang haharapin natin after,” paliwanag ni Dynee.

Sa mga nagsasabing nagmamadali raw ang kaniyang mister na maging presidente, ito naman ang tugon ni Dynee:
“Aba, dapat lang. Hindi puwedeng mas mabagal tayo kaysa sa problema. We need someone who can act fast. A man of action, and who can do it the fastest time,” wika ng misis ni Yorme.

Marami pang ibinahagi si Dynee tungkol sa kaniyang mister; kasama na rito ang relasyon nila bilang mag-asawa at kung ano si Yorme bilang ama ng kanilang tahanan.
Nakasama rin sa naturang panayam ang panganay na anak ng mag-asawa na si Vincent Patrick Ditan na naniniwala ring si Mayor Isko ang karapat-dapat para maging susunod na pangulo ng bansa.
“My dad is the man for the job. We have the receipts to show first for it. We had an amazing COVID response, which I think he can replicate in the entire country,” anito.

Samantala, bumuhos ang mga positibong komento sa nasabing segment na may pamagat na “The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates featuring Dynee Domagoso and and Patrick Ditan.
“I love how they not only see themselves as family na sila-sila lang, but how they always see every Filipinos as family. Lagi nila sinasama ang mga tao, ibang Pilipino sa lahat, especially nung Pandemic iniisip nila yung struggles ng ibang kabababayan. Thanks tito Boy for this wonderful interview. God bless the Domagoso family. A role model to every Filipino families.”
“The most natural and honest conversations. Everything feels comfortable and real in the conversation between Boy Abunda and the Domagoso family.”
“Lalo ako bumilib kay Isko…sa lahat ng pwede ibigin or pakasalan hindi siya tumitingin sa past ng mamahalin niya importante sa kanya ang present…I have big respect to those men who love single mom…salute to Yorme and to Dynee.”
Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kina Dynee at Patrick: