Chito Miranda sinupalpal ang mga netizens na may 'isyu' kaugnay sa kanyang post na 'lunch date lamon'

Ang singer na si Chito Miranda ay umagaw ng atensyon sa social media matapos umano niyang sagutin ang mga netizens na bumabatikos sa kanyang “lunch date lamon” kasama si Bubbles Paraiso.

Sa kanyang Instagram account ay naibida niya na marami umano silang  napag-usapan at naparami na rin ang kain ng magkaibigan sa Tagaytay.

“‘Lunch Date Lamon’ with this lovely lady. Ang daming kwento… kasing dami ng kinain namin,” pagbabahagi ni Chito sa kanyang nag-viral na post.

Napakomento at nagbigay reaksyon ang mga followers ng frontman ng Parokya ni Edgar tungkol sa ipinost na larawan.

“Dapat may lunch date din si Neri with one of her guy friends,” isang netizen ang nagbigay ang nag-react na sinagot naman ni Chito, “Sus… walang problema.”

Samantala, nag-react din ang isang netizen at nagsabing, “Kapag nag-e-effort si Neri lagi nakakunot noo mo Kuya Chito.”

Kalaunan ay sumagot ang singer sa ilang comments.

Aniya,  “Wala naman po akong sinabi na lahat ng babae, parehas ng asawa ko po (heart emoji) sabi ko lang, my wife is secured enough not to make a big deal out if it (unlike others who do), meaning I acknowledge the fact that my wife is not like other girls who make a big deal out of it.”

“Corny ng mga issues niyo sa buhay niyo? kami nga wala eh,” sagot niya sa isa pang nagkomento ng hindi maganda.

Basahin: Neri surprises husband Chito with a birthday gift, and it’s a yacht

Kamakailan ay sinurpresa ni Neri Naig ang kanyang asawang si Chito Miranda ng isang diumano’y napaka-‘simpleng’ regalo sa kanyang kaarawan – isang yate.


Inilarawan ni Neri ang regalo niya kay Chito — isang maliit na yate na mayroong maliit na kwarto, mini sala at banyo. Gagamitin nila ito sa pangingisda dahil gusto ng kanilang pamilya ang pangingisda.

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!” pagbabahagi ni Neri.

Dagdag pa niya, “Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!”

Si Chito Miranda ay isang sikat na music artist at social media star sa Pilipinas. Siya ang frontman ng iconic Filipino band, Parokya Ni Edgar. Si Chito ay kasal naman sa aktres na si Neri Naig.

Post a Comment

Previous Post Next Post