Proud mama! Ibinahagi ng beteranang aktres na si Coney Reyes ang isang throwback picture na may heartwarming message nang nakapagtapos ng kolehiyo ang anak na si Vico Sotto.
Sa kanyang IG stories, in-upload niya ang larawan kuha noong 2011; nang makuha ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang Political Science degree mula sa Ateneo de Manila University.

Matagumpay rin na nakakuha ang Mayor ng Master’s Degree sa Public Management sa parehong unibersidad.
Wow! Ang galing naman talaga ni Mayor Vico. Talagang ipinagmamalaki siya ng kanyang ina at amang si Vic Sotto.
Makikita sa larawan na todo ngiti si Vico kasama ang kanyang mga magulang.
“This appeared on my FB timeline… Vico’s graduation from ADMU in 2011,” ayon sa caption ni Coney sa kanyang stories.

“All smiles. Proud Papa & Mama,” dagdag pa ng beteranang aktres.
Kamakailan ay nagbahagi rin si Coney na siya’y laging nasa likod lamang ni Vico at sumusuporta at palaging ipinagdarasal ang anak.
“I’ll be behind you all the way… praying for you, son! The Lord bless you and keep you! The Lord make His face shine upon you and grant you peace and favor all the days of your life! May you always be blessed and always be a blessing! May God keep you in the center of His good, pleasing and perfect will! The Best is yet to come to the honor and glory of the Living God!” aniya sa kanyang Instagram post.

Si Victor Ma. Regis N. Sotto – o Vico Sotto- ay ipinanganak noong Hunyo 17, 1989, at ngayon ay kasalukuyang alkalde ng Pasig City.
Siya ay naging tanyag sa pagiging masipag, makabago, at matapat na pulitiko.
Tumatakbo siya para sa ikalawang termino ng pagka-alkalde ng Pasig City sa nalalapit na 2022 elections.