Rufa Mae Quinto nag-guesting sa rally ng UniTeam, 'See you Zamboanga! Go go go!'

Ang komedyante-aktres at TV host na si Rufa Mae Quinto ay pumunta at nag-guest sa campaign rally ng UniTeam sa Zamboanga City nitong Martes, Marso 29.

Kabilang si Rufa sa mga celebrity na naging guest sa campaign stop nina presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr. at ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Umakyat sa entablado ang “Booba” star sa Summit Center ng Universidad de Zamboanga, nakipag-ugnayan sa UniTeam slate at pinasaya ang mga manonood sa kanyang mga signature ditzy antics.

Isang larawan ng guesting ni Rufa ang ibinahagi ng musician-producer na si Njel de Mesa, na isa ring masugid na tagasuporta ng UniTeam ticket.

“#RufaMaeQuinto joins the #Uniteam stage in the big BBM-SARA event in #Zamboanga peninsula for VP #IndaySaraDuterte #ArtistsForSara,” ayon sa post ng NDMstudios.

 

Marami namang netizens ang natuwa na isa si Rufa na sumusuporta sa UniTeam at may mga iba rin na nagsabi na may bago na namang ica-cancel culture.

“Wow Rufa Mae, Good choice you’re in the right team UNITEAM.”

“Yes. Go go go for the gold Uniteam! Todo na to!”

“Cancel culture incoming”

“Aba ‘di na s’ya dilawan ah nag unityteam na si rufa mae, iba talaga pag unityteam.”

Siyempre, mayroon ding mga na-disappoint. Mayroon din namang humiling na irespeto ang choice ng kapwa.

“Respect her freedom!!! Porke iba support niya sa gusto niyo. Kakadisappoint na sa inyo! May karapatan din siya pumili ng gusto niya. Gaya n’yo!”

“Goodluck wag mo pansinin ang negativity, you have the right to choose what you want di ba? Important di mo cla pinakikialaman kaya go lang madam happy happy Lang.”

Ang 43-anyos na comedienne ay isa sa mga pinakabagong high-profile showbiz personality na nag-endorso sa Marcos-Duterte tandem ngayon, katulad ng actress-host na si Toni Gonzaga, music veterans na sina Dulce at Randy Santiago, at rapper na si Andrew E, at iba pa.

Nagbahagi rin si Rufa Mae ng isang video sa kanyang IG account at ipinakita pa ang kanyang pagkain na lugaw bago pumunta sa rally.

“See you Zamboanga! Go go go!” nakasaad sa post ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post