Maliit man sa simula, kapag determinado ay makakaya ring mapalaki ang negosyo. Iyan ang pinatunayan ng mag-asawang desididong sumugal sa kanilang pangarap.
Nagsimula ang mag-asawa sina Jomari Siongco at Denielle Hernandez ng isang home-based business sa kalagitnaan ng pandemya ng COVID-19 noong 2020 na may hawak lamang silang P2,500 bilang puhunan. Ngunit dahil sa kanilang determinasyon at pagsusumikap, kalaunan ay nagtayo sila ng food truck business.

Back Story
Dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19, nawalan ng kani-kanilang trabaho sina Jomari at Denielle (dating guro),
“Actually it started with him and his brother talaga…,” ani Denielle. Nung nag-pandemic umuwi si Jomari galing UAE dahil nawalan siya ng work so naghanap sila ng source of income. Itinayo nila ‘yung Tolit’s pero online orders pa lang at pre-order base ito.
Sa orihinal, ang Tolit’s Peri-Peri ay negosyo ng pamilya ni Jomari. Ang negosyo ay ipinangalan sa kanyang ama at sinabi ni Jomari na naperpekto nila ang recipe ng kanilang pamilya sa paglipas ng mga taon.
Noong nagsisimula pa lamang sila, ang mag-asawa ay humiram ng pera sa kanilang mga pamilya upang simulan ang kanilang negosyo sa pagkain. Nagsimula sila sa kapital na P20,000.

Noong 2020, nagpasya silang gumamit ng lumang trak para sa kanilang negosyo ngunit ang kinikita nila ay sapat lamang para mabayaran ang kanilang pang-araw-araw na operasyon. Naranasan din nila ang ilang problema ngunit pinagpatuloy nila ang nasimulan. Nagtayo na sila ng physical store. Nakamit nila ang tagumpay!
Wala pang isang taon, napalawak ng mag-asawa ang kanilang negosyo sa pitong sangay sa Bulacan.

Sinabi ng mag-asawa na nakipag-ugnayan sa kanila ang ilang indibidwal na naghahanap ng prangkisa ng kanilang negosyo. Naglunsad sila ng franchise na ang starter package ay nagkakahalaga lamang ng P160,000. Kabilang dito ang pagsasanay at paunang supply para sa negosyo.
Ilang franchised stores din nila ang nakatakdang magbukas ngayong taon sa Metro Manila.
“If you want to earn big, you have to give big. ‘Yung effort, ‘yung oras––lahat and then everything will follow naman,” payo ng mag-asawa.
Nilalayon din nilang tulungan ang iba pang indibidwal na naapektuhan ng pandemya.
“Kami ‘di ba we started from nothing. So ngayon ang goal namin is to help ‘yung mga taong gustong magka business kasi with the pandemic parang everything’s unsure parang p’wede ka mawalan ng trabaho anytime kaya ito this is a perfect offer for those na gusto mag-startup ng business,” pahayag ng mag-asawa.

Sa isang Facebook post ni Denielle ay naibahagi niya ang kanilang unang set ng order na natanggap. Nakasabit umano ito sa kanilang ref bilang isang paalala.
“This is where it all started.
Our first set of orders. Until now nakasabit to sa ref namin to remind us that no matter how hard our day is… winning moments will take place soon!
Wala lang.. Habang nag aayos ng ulam sa ref nakita ko ulit to and I can’t imagine yung hirap ng buhay namin before kasi palaging sakto lang. Di kami sigurado if may benta ba kinabukasan or paluwal na naman. Basta ang sigurado lang, masaya kami sa ginagawa namin. Nakakatawa nga eh.. ang layo nito sa pagtuturo (yun lang kasi alam kong way to earn & i don’t even know how to cook 😅) ang sigurado lang is masaya akong sumusuporta at naniniwala sa pangarap ni Jomari.
Hay Thank you Lord!! Thank you sa lahat ng iyak at hirap. Wag kayo mapapagod sa timing ni Lord ha!!”
Inspirasyon ang hatid nila, ‘di ba? Go lang at magsipag!
Panoorin ang video na ibinahagi ng PhilStar via Facebook: