Sino ba naman ang matutuwa kapag alam mong hired ka na sa in-apply-an mong trabaho pero kinabukasan lang ay babawiin rin pala?
Isang job applicant mula sa Ronda, Cebu ang nagpahayag sa social media ng kanyang hinagpis dahil sa biglaang pangyayari sa proseso ng kanyang pag-aapply sa trabaho noong Marso 9, 2022.
Ibinahagi ni Ramella Reyes sa Facebook ang mga screenshot ng mga mensaheng ipinadala sa kanya ng HR department ng kumpanyang kanyang in-apply-an ng trabaho. Sales admin sa isang appliance company sa Mandaue City umano ang kanyang inapplyan.

Sa unang larawang ibinahagi niya ay mababasa ang mensahe mula sa HR na nagco-congratulate sa kaniya dahil naipasa nito ang final interview. “Congratulations!!! You’re HIRED?????”
Ngunit nakapagtataka kung bakit question mark ang ginamit dito. Typo lang kaya?
Sa pagpapatuloy ng mensahe ng HR ay humihingi na ito ng mga requirements sa netizen na nag-post kasabay ng pagbibigay ng March 15, 2022 na deadline.

Ngunit makalipas lamang ang isang araw ay nakatanggap muli ng mensahe si Ramella mula sa HR kung saan ay humingi ito ng pasensya sa kaniya dahil nakahanap na sila ng suitable applicant para sa posisyon ng sales admin.
Ang nasabing viral post ay mayroon nang mahigit 12k shares, 8.7k reactions at 2,100 comments dahil sa dami ng naka-relate at pumuna sa ethics ng kompanya.
Maraming netizens ang nagalit dahil sa pagiging unprofessional ng HR ng kompanya.
“First of all, you don’t send out a “You’re hired!” message to an applicant if you are still looking for a “suitable” person for the position. You’re supposed to review other applications first before coming up with a decision on which applicant you’ll hire.”
“I also had the same experience last week. I was supposed to start last March 8, 2022, but then 3 days before I start, they sent me an email saying they are canceling the job offer. I already started to work on my requirements and spent money on the requirements only for them to cancel the job offer.”

“‘Di rin biro yung inaksaya niyang oras at tiwala sa inapplyan niyang company. It’s not even a rejection. Pinaasa nila yung tao. The standards in our country is so strict. Much better mag-apply na lang sya sa mga BPO Companies where discrimination is not an issue.
“I don’t think that company is good enough to hire deserving applicants poor HR haha!! PLS HIRE Better HR staff and has knowledge of HR processing in a professional way. just saying.”
May mga nagpahayag din na sana’y maging matinding paalala ito sa mga kompanya na gumagawa ng ganito. Sa post pa lang na ito ay hindi biro ang dami ng nagbahagi ng ganito ring karanasan. Mayroon pa nga pinagtrabaho na nang ilang araw at biglang pinatigil. Ang masaklap pa ay hindi binayaran ang ilang araw na ipinasok ng empleyado. Bad practice!
“The same thing happened to me. I was employed and placed on a one-week probationary period. My shift runs from 11:00 p.m. until 3:00 a.m. I was about to start my fourth day when I received a message from HR stating that I would no longer be working with them. I wasn’t even compensated for the hours I worked for them.”
Stop that bad practice!