Pedigree dog na si Urus nagkakahalaga ng PHP10M

Ibinunyag ng dog trainer na si Jessmar Grutas na may asong nagkakahalaga umano ng PHP10 milyon. Aniya, may mga asong daan-daang libo o kaya ay milyun-milyong piso ang halaga.

Si Jessmar ay walong taon nang dog trainer kung saan lumahok siya sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga noong Marso 2, 2022.

Aniya, nagti-train siya ng mga aso, na karamihan ay American Bully ng kaniyang mga kliyente at isinasali sa dog shows.

Ang pinakamalaking dog show na nasalihan raw ni Jessmar ay ang EBKC o European Bully Kennel Club.

“Ilalakad n’yo po ‘yung isa. Pagalingan po ng maglakad tsaka ‘yung breed standard ng aso dapat nandoon sa aso mo para manalo. Kasi hindi porke’t maganda ‘yung aso mo, mahal ‘yung aso mo, mananalo,” kuwento niya kaugnay sa kung anong ginagawa sa dog show.

Paliwanag niya, iba-iba raw ang presyo ng aso at mas nagmamahal ito kapag galing sa champion line o champion breed. Tumataas daw ang value ng aso kapag nanalo ito sa dog show.

“Pag nag-dog show ka, once na nag-champion ka po, tataas ‘yung value ng puppy mo. Tataas ‘yung stag fee pag nag-breed po,” aniya.

Dagdag pa niya, importanteng criteria ang pagandahan ng structure ng aso.

Inusisa naman ng ibang Eat Bulaga hosts ang standard price ng American Bully. Sabi ni Jessmar, nagkakahalaga ito ng PHP700,000.

Ipinaliwanag rin niya na may special diet ang ganitong aso upang hindi masira ang structure nila.

“Kung ano po ang special diet nila, ganoon lang po ‘yung sundin nila para hindi nasisira ‘yung structure ng aso, kasi bumibigat ‘yung tiyan niyan, e.”

Samantala, itinampok ng YouTube vlogger na si Sam Walastik ang isang “exotic Bully” sa vlog niyang The 10 Million Pesos Exotic Bully.

Dito ay nakapanayam niya ang nagmamay-ari noon kay Urus na si Yusuke “Gino” Rinkushi, ang owner ng SBK South PH o Spoiled Brat Kennel South Philippines; isang community ng American Bully lovers sa bansa.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post