Ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang sulat-kamay na tugon sa isang tanong sa takdang-aralin ng isang college student.
Ang sophomore public administration student ay nakipag-ugnayan kay Sotto sa Twitter para sagutin ang tanong sa assignment.
“How can the public best participate in the planning process of LGUs?” tanong ng estudyante.
“Ito na! Napasulat tuloy ako ng essay habang nasa caucus,” na may isang emoji na tawa iyak ang reakyon sa post ni Vico.

“Ordinary citizens should take advantage of the mechanisms for participation that the government has to offer,” ayon kay Vico sa isang mala-sanaysay na isinulat niya sa pagbisita sa Barangay Rosario, kung saan nakatira ang estudyante.
Idinagdag ni Sotto na sa antas ng lungsod, maaaring sumali o bumuo ng mga non-government o civil society organizations, makakuha ng accreditation ng lokal na pamahalaan, at makilahok sa pagpili ng mga kinatawan para sa mga development council, at iba pa.

Humingi pa ng paumanhin ang Mayor dahil sa sulat kamay nito, “Pasensya na sa handwriting ko.”
“DILG MC No. 2019-72 yung tinutukoy ko. Good luck sa assignment!” sa huling bahagi ng sagot ng Mayor.
Basahin: Mayor Vico Sotto kinasuhan ng cyber libel ni VM Iyo Bernardo
Matatandaan na nagsampa ng kasong cyber libel si Pasig City Vice Mayor laban kay Mayor Vico Sotto sa Pasig Regional Trial Court (RTC) noong Marso 18.

“Ito po ay ‘yung nangyaring insidente na nangyari sa flag ceremony dahil naniniwala kasi ako na hindi po nagagamit ang flag ceremony pagdating po sa political agenda. Ginagamit po ito para pasalamatan ang mga empleyado natin, para po i-encourage, para lalo pa pong magtrabaho para sa mga Pasigueños,” pahayag ng Bise Alkalde sa panayam ng mga mamamahayag.
Ayon pa kay Bernardo, may ‘proper venue’ para sa pagpapahayag ng sentimyento subalit huwag naman sana sa flag ceremony.
Nakatanggap naman ng puna at kritisismo ang ginawang ito ng Vice Mayor.
Basahin: Mayor Vico may pasaring sa Vice Mayor: “Bago tayo mamulitika, magtrabaho muna”