Sa episode ng Cristy Ferminute ay ibinahagi ni Nanay Cristy ang mga negatibong reaksyon na narinig niya tungkol sa misteryosong pahayag ng Queen of All Media na si Kris Aquino hinggil sa kulay ng heart emojis.
Sa nasabing viral comments, isinulat ni Kris ang kanyang tugon sa isang fan page na nagpadala ng thoughtful message sa kanya kasama ang red heart emojis.

Hiniling niya sa page na gumamit ng ‘yellow heart’ o pink heart na may dilaw na ribbon na emoji sa halip na mga pula. Sa pinakabagong episode ng Cristy Ferminute, tapat na nag-react si Nanay Cristy sa cryptic comments ni Kris.
Basahin: Kris Aquino sa kanyang followers, ‘request, can you use ‘yellow hearts or pink? …’ wag muna red’
“Bakit meron pa siya ngayon na ayaw niyang gumamit ng pula emoji ‘yung mga sumasagot sa kanya?”
Ibinahagi ng beteranong kolumnista ang mga negatibong pahayag na narinig niya tungkol sa nasabing komento.

“Ang gusto niya yellow tsaka pink. Alam mo Ineng, ayan tuloy, anong sabi sa ‘yo ng mga tao? ‘Yang may sakit ka na nga, napaka-bitter mo pa rin. Asikasuhin mo na lang ‘yang pagkakasakit mo,” payo nito.
Inamin ni Cristy Fermin na nairita siya sa viral comments ni Kris sa social media.
“Nakakairita. Kasi mula sa pagkaawa, mula sa pagdarasal para sa kanyang maagang paggaling, eh ganito lang naman pala gagawin niya. Pati red emoji eh papansinin niya para maging dilaw at maging pink. Tama ‘yung sinabi, bitter ka pa rin hanggang ngayon samantalang may sakit ka na nga, ‘di ba?”

Pagpapatuloy nito, “Ang pakialaman mo ‘yang BP mo, ‘yang mga allergies mo, ‘yang kung maayos na maayos ka na para after 14 days, makalipad ka na papuntang Amerika para sa matinding gamutan.”
“Eh kung pati ang mga kulay ng mga puso, mga emo-emoticon na ‘yan eh pakikialaman mo pa, baka black heart ang ibigay sa ‘yo ng mga taong naiinis,” pagtatapos nito.
Panoorin.