Dahil mahal ang gasolina lalaki sumakay na lang sa laruang kabayo; kinaaliwan ng netizens

Matapos ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina, viral ngayon ang video ng lalaki na nakasakay sa laruang kabayo.

Sa video na ipinost ni Christian Lopez, makikita ang kapatid niyang si Joshua na nakasuot ng helmet habang sakay ng laruang kabayo.

Sa caption naman, nagbiro si Christian at sinabing nagkabayo na lang ang kapatid dahil sa taas ng presyo ng gasolina.

Pinangalanan din nila na “Digdig” ang laruang kabayo. Mukha ring marami ang naka-relate sa mensahe ng post kaya nag-viral agad ito at umabot na sa 164K shares.

Ayon sa magkapatid, napagkatuwaan lang daw nila na sakyan ang laruang kabayo na para sana sa anak ni Christian.

Parehong mahilig sa pagmomotorsiklo ang magkapatid, kaya naisip nilang iugnay ang video nila sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Kuwento ng magkapatid, kung noon ay nasa P2,000 o P2,500 ang gastos nila para sa full tank na gasolina, sa ngayon ay nasa P3,000 na ang binabayaran nila dahil sa magkakasunod na dagdag presyo.

Samantala, ilang gasolinahan kabilang ang Caltex, Petron, Seaoil, Unioil, Petro Gazz, Flying V, Clean Fuel, at PTT ang nagtaas presyo noong Lunes ng P13.15, sa diesel naman ay P7.10 kada litro sa gasolina at P10.50 kada litro para sa kerosene, kung saan epektibo ng hatinggabi ng Martes.

Tumaas din ang presyo ng LPG ng P7.95 kada kilo ngayong buwan.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas mataas ng P31 ang babayaran ng mga motorista sa isang litro ng diesel, P20 sa isang litro ng gasolina, at P25 sa isang litro ng kerosene.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, hinimok ng transport at labor groups ang gobyerno na taasan ang minimum wage at pamasahe.

Nanawagan naman ang DOE noong Lunes sa mga kumpanya ng langis na tulungan ang publiko sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga diskwento sa mga motorista at pagsuray-suray sa kanilang mga dagdag.

Basahin: “Kuya, ‘wag! Don’t you dare!!!” Netizen nakiusap na huwag palitan ang presyo ng gasolina

Post a Comment

Previous Post Next Post