Isang campaign sticker sa isang sasakyan ang nakaagaw ng atensyon ni Sen. Manny Pacquiao kamakailan.
Sa isang video na in-upload ng GMA reporter na si Jun Veneracion, ang presidential aspirant ay nagsasagawa ng kampanya sa Pampanga nang makita niya ang sticker.
Ang sticker ay may nakasulat na “Pacquiao Hindi Magnanakaw.”

Matapos makita ang sticker, ang boksingero-turned-politician ay game na nag-pose para makapagpa-picture habang nakaturo sa sticker.
“A campaign sticker grabs the attention of Sen. Manny Pacquiao. It reads: “Pacquiao Hindi Magnanakaw,” nakasaad sa IG ni Jun.
Marami naman ang nag-like at natuwa din na mga followers sa naturang sticker na nagsasabing hindi magnanakaw ang tatakbong si Senador Manny.

“Naniniwala ako syo manny, hndi ka magnanakaw.”
Basahin: Sen. Manny Pacquiao nais gawing ‘major export’ products ang balut at salted egg ng Pateros
Matatandaan na nais ni Presidential candidate Senator Manny Pacquiao na gawing ang balut at salted egg production.
Ayon sa GMA, sa kanyang pagbisita sa Pateros noong Martes, sinabi ni Pacquiao na bagama’t isa lamang itong maliit na munisipalidad na kilala sa paggawa ng balut (fertilized duck egg embryo), maaari itong gawing isang pangunahing lokasyon ng pamumuhunan sa pagproseso at pagmamanupaktura ng pagkain.

“‘Yung balut saka itlog na maalat ng Pateros kilalang-kilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Parang exotic na pagkain kasi mga yan sa mga ibang nationality kaya dapat pag-aralan kung paano natin gawing major export ang balut at itlog na maalat, “ wika ng presidential bet candidate.
“Huwag sana nating pabayaan kahit ‘yung mga maliliit na munisipalidad dahil malaki rin ang ambag nila sa ating ekonomiya,” dagdag pa niya.
Basahin: Manny Pacquiao, naging emosyonal sa panayam ni Boy Abunda kaugnay sa kahirapan ng mga kababayan
View this post on Instagram