Noong Sabado, Marso 19, 2022, ginulat ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang kanyang mga followers nang mag-post siya sa Instagram ng mga larawan niya na kulay pula ang kaniyang buhok. Nag-react naman dito si Diego Loyzaga.
Sa kanyang caption, nagpasalamat si Barbie sa Hairticulture ni Carl Dana, “b**ch u better be joking red hair!!! finally thank you @hairticulturebycarldana.”
Mabilis namang nagkomento si Tony Labrusca sa bagong hairstyle ni Barbie. Saad nito, “Redhead” na may kasama pang fire emoji.

Sa comments section ng kanyang post, ilang netizens ang hindi napigilang magkomento tungkol sa bagong kulay ng kaniyang buhok, na karamihan ay nagsasabi na ito raw ay umakma sa kanyang hitsura at sa kulay ng kanyang balat.
Maging ang dati niyang nobyo na si Diego ay hindi napigilang mag-react sa bagong hitsura ni Barbie.
“Poison Ivy?” tanong nito na tumutukoy sa karakter sa komiks.
Tumugon naman ang aktres at sinabing, “Ako nga pala yung sinayang mo. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA.”

“Are you suuuuure?” sagot naman ni Diego.
Ang komento ng dalawa ay nagpasigla sa kanilang mga tagahanga. Ang ilan sa kanila ay umaasa pa sa ‘balikan’.
Halos isang taon nang magkasama sina Barbie at Diego bago nila ibinalita noong Pebrero na naghiwalay na sila.
Sa nakaraang panayam, sinabi ni Barbie na hindi niya nakikita ang kanyang sarili na makikipagbalikan sa mga dating nakarelasyon.

Paliwanag niya, “Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.”
“Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na ‘yun na magkasama kami, sana ‘yun na ‘yung time na okay lahat,” dagdag pa nito.“Na dun gagawin kung anuman ipu-prove, ganito-ganyan.”
“Parang you had your shot. I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!”
Ngunit noong Marso 2022, ilang buwan matapos maghiwalay ang dalawa, ay nakita silang magkasama sa isang restaurant sa Pasig City. Hmmm… just friends?
Basahin: Diego Loyzaga, Barbie Imperial magkasamang kumain; nagkabalikan nga ba?