Ang aktres na si Teresita “Winwyn” Marquez ay nagbigay sulyap sa kanyang non-showbiz partner sa isang bagong maternity photo na kanyang ibinahagi.
Sa larawan, makikita si Winwyn na nakasuot ng itim na crop top na ipinamalas ang kanyang baby bump habang hinahalikan siya ng kanyang kapareha sa noo. Mapapansin ang malaking ngiti ng aktres.
“God gave me what I prayed for and more – a kind of love that can stand the test of time.. You are my beginning, my middle and my end,” nakasaad sa post ni Winwyn.

“You and me always,” dagdag pa niya.
Maraming followers ang nagkomento na i-reveal ang buong mukha ng special someone ni Winwyn.
“Jowa reveal on youtube please”
“Reveal na yan”
Basahin: Winwyn Marquez fit and glowing sa maternity photos
Proud na ibinida ni Reina Hispanoamericana 2017 ang kaniyang baby bump sa ibinahaging mga larawan sa kaniyang Instagram.

“Can’t wait to meet you my little one,” caption ni Winwyn sa mga larawan.
Umani ng libo-libong likes ang kaniyang photo shoot at marami rin ang nakapansin na napanatili niya ang kaniyang glow at fit body.
Komento ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, “Beautiful”.
“Blooming,” puri naman ni Sanya Lopez na sinamahan pa niya ng heart emoji.
Matatandaang Disyembre 2021 nang kumpirmahin ni Winwyn na nagdadalantao siya.
Basahin: Winwyn Marquez kinumpirma ang pagbubuntis
“I know it’s been a while. ‘Di ko alam kung napansin n’yo but I took a break for some time. Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin dun of course ‘yong health reasons,” paliwanag noon ni Winwyn.

Hindi naibigay ni Winwyn ang lahat ng detalye tungkol sa kaniyang pagbubuntis; kabilang na ang ama ng kaniyang dinadala.
“I may not share much information about my pregnancy yet as I still want to keep some things private for us and I hope you understand,” sabi ng aktres.