Ang aktres na si Dimples Romana at ang asawang si Boyet Ahmee ay magkakaroon na muli ng isa pang baby boy!
Nagsagawa ng gender reveal party ang malapit nang maging pamilya ng lima nitong Linggo, Marso 27, 2022, na kasama ang mga kaibigan at pamilya.
Nagbahagi rin naman ang aktres sa kanyang Instagram account kung ang kanya bang ipinagbubuntis ay babae o lalaki, si E, at nagpasalamat naman sa kanyang kaibigan na si Angel locsin.
“Oh boy, it’s another baby…(SWIPE LEFT to FIND OUT if BABY E is a BOY or a GIRL ) Tomorrow, I’ll share more photos shot by our friends at @niceprintphoto, Shout out to my mars @therealangellocsin for endorsing us to ate @charissetinionp and making this all possible today!! Love you both!” ayon sa post ni Dimples.
Ang mabuting kaibigan ni Dimples na si Angel ay kabilang sa mga unang nagpahayag ng kasarian ng ikatlong anak ni Dimples sa social media.
“It’s a boy-let! Congratulations @boyetahmee & @dimplesromana,” pagbati ni angel sa kanyang IG.

Noong umalis na ang kanyang mga guest ay kumuha ng mga solong larawan ang aktres, “Probably the last few shots taken from today. After the guests have left, Last three months til I see my baby boy,” sabi pa ni Dimples.
Maraming followers ang bumati at pumuso sa mga photos ng aktres pati na rin ang mga kapwa celebrity.
“Congratulations on your baby boy!”
“Sana all fresh pagbuntis at ang ganda!”
“Congratulations dimps on your second baby boy so happy for your family.”

“Congrats po! Super saya ni papa Boyet may bagong tagapag pakalat ng lahi.”
“Congrats @dimplesromana and @papaboyetonline for a new family member.”
Basahin: ‘Five na kami!’ Dimples Romana masayang ibinahagi ang muling pagdadalantao
Ibinahagi ng 37-anyos, ang personal milestone sa isang media conference para sa Fortima; isang bitamina supplement na ini-endorso niya ngayon.
“Ang reveal po namin ngayon ay… Ladies and gentlemen, I am expecting baby number 3! Say hello to my baby bump!” sabi niya, at tumayo para ipakita ang kanyang tummy.
