Narito ang isa pang patunay na ang mga bata ay may pinakamalinis at inosenteng pag-iisip.
Narinig ng isang ama mula sa Quezon City ang pag-iyak ng kanyang tatlong taong taong gulang na anak na babae sa kanilang sala noong Enero 24, 2022. Agad namang nilapitan ni Jerome Carpio ang kanyang anak upang alamin ang nangyari.
Ipinaliwanag ni Jerome na kaya umiiyak ang kaniyang anak ay dahil nalaman nitong yumao na si Jesus.

“She was crying because she was scrolling through the feeds of TikTok when she encountered a video of Papa Jesus then her yaya told her that Jesus is already dead,” aniya.
Walang magawa si Jerome kundi i-comfort ang kaniyang anak na si Mango habang patuloy itong umiiyak sa impormasyong nalaman niya online.
“So I gave her time to calm down and explain to her that he died and rose again and now forever lives in our hearts. Now, everytime I ask her where’s Papa Jesus, she will answer, ‘here in my heart’,” kuwento niya.

Ipinakilala ni Jerome at ng kanyang asawang si Christel si Papa Jesus kay Mango sa pamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na pagdarasal sa gabi.
Kaya naman inilalarawan ng kanilang anak na si Papa Jesus ang laging nagmamahal sa kanila at ang laging gumagabay sa kanilang pamilya.
“We started praying together before going to sleep when Mango was about 2 yrs old. We introduced her to ‘Papa Jesus’ through night prayers,” anila.

“We always give thanks and wish for safety before going to bed. So everytime she does something against our family values, we often use Papa Jesus as an example of doing good to other people. Everytime we use Papa Jesus in the context, she always listens,” pagbabahagi ni Jerome.
Inilarawan ni Jerome ang kanyang anak na babae bilang isang fast learner at isang napaka-curious na bata. Dagdag pa niya, hindi nila inaasahan na magiging viral ang video dahil regular siyang nagpo-post ng random content tungkol kay Mango.
“Anak, continue being a kid by heart even when you grow old. You never fail to surprise us with your continuous development. We love you so much,” ani Jerome.
Napaka-adorable namang bata itong si Mango!
Panoorin.