Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na

Ang aktres na si Erich Gonzales ay ikinasal na sa kanyang long-time boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Ang nasabing kasalan ay ginanap sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City bago magtanghali ngayong Miyerkules, March 23, 2022.

Isang maikling ulat ang inilathala ng Fashion PULIS nitong Martes na may screenshot mula sa Instagram Story ni Andres Lorenzo (na ngayon ay deleted na).

Bumuhos ang pagbati sa mga bagong kasal.

Si Andres Lorenzo na nag-upload ng larawan ay kamag-anak ng businessman na si Mateo.

Sa litrato ay makikita ang aktres at si Mateo na nakaupo sa harap ng altar. Wala namang caption ang black and white na photo.

Hanggang ngayon ay wala pa ring naging pahayag ang aktres at si Mateo. Marahil nga ay mas gusto lamang nila ang pribadong kasalan kasama lamang ang mga mahahalagang miyembro ng pamilya.

Sa comments section ng Fashion Pulis ay may isang Anonymous reader na naghayag na siya ang nagpadala ng screenshot. “Its me who sent it lol proud marites here”.

Basahin: Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz boyfriend sa Marso

Matatandaan na kumalat sa social media ang nalalapit na kasal ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend sa buwan ng Marso ng taong kasalukuyan.

 

Ito’y matapos kumalat sa online world ang isang larawan ng marriage banns kung saan ay makikita ang kanilang larawan ng nobyong si Mateo Lorenzo, mga pangalan nila at ng kanilang mga magulang.

Ang Marriage Banns ay anunsiyo sa isang simbahan upang maipaalam sa nakararami ang nalalapit na kasal.

 

Batay sa inilabas na litrato ng nakapaskil na marriage bann, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib sa Marso 23, 2022.

Magaganap ang kasalan sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City, ngunit wala pang komento o sinasabi ang 31-anyos na aktres kaugnay sa lumabas na balita.

Ayon pa sa Kapamilya Online world, taong 2018 nang unang ipinabatid ni Erich Gonzales ang pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend at ito nga ay si Mateo Lorenzo, Noong una pa man ay hindi siya nagbibigay ng impormasyon patungkol dito lalo’t hindi naman taga-showbiz si Mateo na 29-anyos.

Bilang sikat at hinahangaang artista, hindi mapipigilan ang kuryosidad ng kanyang mga tagahanga na sumusubaybay sa kanyang career at mga kaganapan sa kanyang buhay. Lodi eh!

Post a Comment

Previous Post Next Post