Xian Gaza binuweltahan ang mga nagsasabing mas mayaman sa kaniya si Sandro Marcos

Binuweltahan ni Xian Gaza ang kaniyang mga bashers na nagsasabing galing daw sa scam ang kaniyang kayamanan at mas mayaman sa kaniya si Sandro Marcos, ang anak ni presidential bet Bongbong Marcos.

Noong isang araw kasi ay mistulang pinulaan ni Xian si Sandro dahil sa pagkukumpara niya rito at kay Donny Pangilinan, ang pamangking teen hearthrob naman ni Senador Kiko Pangilinan.

“Sabi ng mga fans ni Sandro Marcos sa TikTok eh yung kayamanan ko daw ay galing lamang sa pang-i-scam at ‘di hamak na mas mayaman daw sa akin ang batang Marcos,” ani Xian Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Martes.

“Ito ang tanong ko sa inyo ngayon, saan ba galing ang kayamanan ni Sandro? ‘Di ba anak siya ni Sen. Bongbong Marcos? Na anak ni Imelda Marcos at Ferdinand Marcos Sr.?” dagdag pa ng kontrobersiyal na negosyante at self-proclaimed ‘Pambansang Marites’.

Samakatuwid umano, ang sinasabing kayamanan ng anak ni BBM ay minana lamang mula sa kaniyang lolo na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“In short, ‘yung idol niyo na kamukha ni Jake Zyrus ay nakahiga sa multibilyones na kayamanang minana niya mula pa sa kanyang lolo na ninakaw nila mula sa mga Pilipino.

Travel muna ko. Good evening,” patutsada pa ng social media personality.

Sa pinakahuling post naman ni Xian ay tila bumawi ito at sinabing hindi ‘magnanakaw’ si BBM dahil minana rin lang niya ang kaniyang kayamanan mula sa kaniyang mga magulang.

May paliwanag din ito kung bakit umano hindi maaaring habulin ang ‘ninakaw’ na kayamanan ng pamilya Marcos at kung bakit hindi rin puwedeng bayaran ni BBM ang P203-B na utang na buwis nito sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sana raw ay itigil na ng maraming Pinoy ang ‘kahibangang’ ito na gustong bawiin ang yaman ng mga Marcos at utang na buwis.

“Ang tanging kasalanan ni Sen. Bongbong Marcos ay naipamana sa kaniya ang multibilyones na kayamanang ninakaw ng kanyang mga magulang sa ating bayan,” wika pa ni Xian.

Matagal nang inamin ni Xian na ‘personal choice’ lamang niya si Leni Robredo bilang susunod na presidente subalit hindi  umano siya nangangampanya sa social media para Bise Presidente at lalong hindi siya kasali sa tinatawag na ‘Kakampinks’.

BASAHIN: Xian Gaza duda kung talagang ‘Kakampink’ si Valentine Rosales: ‘Under siya sa payroll ng kalaban’

Post a Comment

Previous Post Next Post