Express Kasal: Magkasintahang mag-iinquire lamang sa munisipyo, paglabas ay mag-asawa na

Viral ngayon online ang magkasintahan na mag-iinquire lamang sana kaugnay sa requirements para sa kanilang kasal, ngunit paglabas ng dalawa ay kasal na sila.

Ibinahagi ni LJ sa kanyang TikTok account ang ‘di niya malilimutang kasal na nag-trending matapos humakot ng mahigit 183k hearts at 14.2k shares na as of posting.

“Sobrang epic pero hindi ko to ipagpapalit sa kahit ano!!!”

“‘Yung magtatanong lang kayo dapat ng requirements para sa kasal pero ang ending mr. & mrs na kayo paglabas ng city hall,” masayang pagbabahagi ng bagong kasal.

Hindi makapaniwala si LJ sa nangyari. Nagbigay na lamang siya ng payo tungkol sa mga nagpaplano pa lamang magpakasal.

“This may not be ideal to all but this is something we both wanted. We both agreed to this kind of set up and we don’t regret any bit of it,” komento niya sa kanyang post.

‘Yung kagustuhan po namin magpakasal is not something we decided overnight. Matagal na po namin ito gusto kaya nung may chance, nag-go na kami!” ani LJ.

Kakaibang talagang kasalan ‘yung wala kang make-up, nakashorts ka lang at magulo pa ang buhok mo pero bigla ka na lamang napa-“I do”.  Pero okay lang ‘yan pagkat ang mahalaga mahal mo at mahal ka ng pakakasalan mo. 🙂

Maraming naaliw sa kanilang kuwento.  Mahigit 8K na nga ang nagkomento sa kanilang video.

Pagsang-ayon ng ilang netizens, mas maganda daw ang ganyan eksena na hindi planado, walang gastos at tiyak na makatitipid ka pa. Iwas stress na rin!

“Mas maganda ‘yang biglaan kesa ‘yung milyon-milyon ginastos sa kasal after few months hiwalay naman,” saad pa ng isang commenter.

May mga ilan na naghahanap ng makakasamang magtatanong sa munisipyo, “LF: kasamang magtanong!”

“Ganito dream wedding ko walang chechebureche, congrats!”

May kasabihan nga na kapag hindi planado, natutuloy ang lakad.

O sa mga nagbabalak diyan,mag-ayos na nang maganda, para kung sakaling biglaan ay naka-ready ka na agad!

@holaleej sobrang epic pero hindi ko to ipagpapalit sa kahit ano!!! 🤣❤️ #fyp #marriage #civilwedding #alagangsundalo ♬ Trip Lang – Shehyee

Post a Comment

Previous Post Next Post