Angelina Jolie, nasa Pilipinas nga ba? Namili at namataan sa Divisoria?
Sa maliwanag na fluorescent na ilaw, mga teleponong naka-glass display, at pangkalahatang setting, mabilis na ‘nasabi’ ng mga Pilipino na si Angelina Jolie ay gumagala sa Greenhills Mall ng San Juan o maging sa Divisoria commercial center ng Binondo.

Sa ilang litratong kumakalat ngayon sa social media, nagmistulang parang nasa Divisoria ang global celebrity kung saan ang stall at ilang malls ang set-up ng tindahan kung saan naispatan umano at nakunan ng larawan ang aktres kasama ang ilang kababaihang aakalain ding mga Pilipino.
Nakakatuwa sapagkat naipost online at mabilis kumalat kung saan iba’t ibang kilalang commercial center sa bansa ang binanggit ng Pinoy netizens na umano’y pinuntahan ng Hollywood star.
“SPOTTED: Angelina Jolie at Bangkerohan Public Market. Nang-ukay,” post ni JC JC

Ngunit hindi pala sa Pilipinas kundi sa bansang Cambodia kamakailan nagtungo si Angelina para sa isang pakikipagpulong sa ilang lider ng bansa kaugnay sa kanyang adbokasiyang nakasentro sa kapakanan ng kalikasan.
Boink! Mukhang Pinas lang!
Kuha pala ang larawan ng isang fan mula sa Cambodia na nakita ang aktres sa kabisera ng bansa sa Phnom Penh; sentro ng mga kilalang kainan para sa mga turistang dumarayo sa lugar.
“Met one the greatest actresses in Hollywood,” mababasa sa caption ng Cambodian fan na si Viriya Hangchuon sa isang Facebook post noong Pebrero 23.

“Such an honor as a Cambodian fan to meet her in person,” dagdag nito.
Viral na ang naturang Facebook post na tumabo na ng higit 26,000 reactions at 14,000 shares sa pag-uulat.
Samantala, sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Angelina ang kanyang muling pagbisita sa Cambodia.
“A few days in Cambodia among the warm local people, and I feel my soul is recovering. This has always been a special country for me and our family,” nakasaad sa caption ng award-winning actress-philanthropist sa kanyang IG.
View this post on Instagram