Labis na nagulat ang aktres-singer na si Alexa Ilacad nang buksan niya ang birthday gift na ibinigay ni KD Estrada sa kanya noong digital fancon nila noong nakaraang Sabado.
Sa “Closer: The KDLex Fancon”, niregaluhan ni KD ang kanyang onscreen love team ng kuwintas na may pendant na tila mula sa luxury brand na Cartier.
“Are you serious?” gulat na tanong ni Alexa kay KD.
Ito ang nag-udyok sa host na si Robi Domingo na silipin din ang regalong binubuksan ni Alexa.

Tumanggi silang pangalanan ang brand nito ngunit ang kuwintas na nasa loob ng isang pulang kahon ay katulad ng sa mga Cartier’s jewelry pieces.
Ayon kay KD, ito ay isang kuwintas na may white gold heart pendant na nagrerepresenta sa kanilang fandom na KDLex.
“I want to give it to you because we have a concert…Since it’s a heart, it’s like I am giving you my heart,” aniya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay si KD ng alahas kay Alexa. Matatandaang niregaluhan niya ito ng singsing.
Basahin: KD ibinahagi ang kuwento sa likod ng mga singsing nila ni Alexa

Nagbigay siya ng maikli ngunit nakaaantig na birthday message kay Alexa sa ika-22 na kaarawan nito.
“I’m so proud of you, all your achievements. I know you’ll go really far and I want to reassure you that you are beautiful, talented, and never doubt yourself about that. I’ll always be there to tell you that,” ani KD.
Matapos ang ‘Closer: The KDLex FanCon’, muling nakapagdiwang si Alexa kasama si KD sa isang surprise birthday party na inorganisa ng KDLexTeamAbroad na ginanap sa isang five-star hotel sa Parañaque City.

Ibinahagi ito ni Alexa sa kaniyang IG story. Aniya, “Had the best birthday celebration surprise courtesy of my loved ones. How lucky am I to be surrounded by people who celebrate me everyday.”
Mas naging malapit ang Kapamilya stars sa isa’t isa nang pumasok sila sa bahay ng “Pinoy Big Brother” noong 2021 bilang celebrity housemates. Sa huli ay naging magka-loveteam sila pagkatapos ng kanilang stint sa reality show.
Magbibida rin sila sa isang serye ng Dreamscape Entertainment ngayong summer at nag-record din sila ng kanta nang magkasama na under naman ng StarPop.
Samantala, panoorin ang epic reaction ni Alexa: