Si Lee Young-ae, na nakilala sa kanyang papel bilang Seo Jang-geum sa hit Korean drama na “Jewel in the Palace,” ay nagpaabot ng tulong sa mga mamamayan ng Ukraine sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon na ₩100 milyon (mahigit P4.2 milyon).
Inihayag ng ambassador ng Ukraine na si Dmytro Ponomarenko ang donasyon ni Lee sa pamamagitan ng pagpapakita ng ₩100 milyong tseke at sulat ng aktres sa mga mamamayan ng Ukraine sa kanyang Twitter page noong Martes, Marso 1.

“We are very excited and touched by the letter and the great financial contribution of the famous Korean actress Lee Young-ae in support of Ukraine and the demand to end the war as soon as possible! The donations will be transferred to the needs of victims of aggression,” ani Ponomarenko.
Sa kanyang liham, nanawagan si Lee para sa pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine at nagpahayag ng pag-asa na magkakaroon ng kapayapaan sa Ukraine “as soon as possible,” tulad ng iniulat ng Soompi.

“As a family of veterans who went through war, I feel the horrors of the war more deeply than anyone else, who love freedom and peace,” dagdag pa niya at hinimok sila na huwag mawalan ng pag-asa at lakas ng loob.
Bukod sa “Jewel in the Palace”, bumida rin si Lee sa iba’t ibang mga pelikula at serye sa TV sa South Korea kabilang ang “Lady Vengeance,” “Inspector Koo” at “Bring Me Home.”

Ang mga kapwa kilalang personalidad na nagpakita rin ng suporta para sa mga mamamayan ng Ukraine ay sina Stephen King, Sean Penn, Javier Bardem at Ashton Kutcher; gayundin ang mga Russian stars na sina Ivan Urgant, Oxxxymiron at Maxim Galkin.
Samantala, ang celebrity couple na sina Ryan Reynolds at Blake Lively ay nanawagan ng mga donasyon para sa mga Ukrainian na nagsilikas.