Netizen nadismaya nang makitang bato ang dumating na order imbes na drone

Isang customer ang nadismaya at nabiktima ng scam nang bumili  ng drone via online shopping ngunit nang buksan ay mga bato ang laman ng isang maliit na kahon.

Sa video na in-upload ay maririnig ang mga tao napa-react at napamura nang makita ang laman ng box.

Ang nabiktima ay nakilalang si Ma. Kristina Li taga-Brgy. San Vicente, Santa Ana, Cagayan, na umorder ng drone na nagkakahalagang 30,000 pesos sa online na katransaksyon.

Noong Huwebes, Marso 24, ay dumating na ang package na kanilang pinakaaasam-asam.

Napansin naman agad ng asawa ni Kristina na maliit ang natanggap na kahon, kaya’t nirecord at binuksan ang box sa harap ng delivery rider.

Pagkakita nila sa laman ng binuksang kahon ay maririnig mo pa ang boses ng rider na nagbigay ng paalala na videohan nang maayos upang makita na rin na maayos pa ang kahon.

Sinunod naman ito ng nagbubukas ng kahon. Nang mabuksan ang package, makikita ang isa pang nakabalot na item sa gitna at nakapasak sa gilid ang mga boxes ng juice drinks.

“I-360 mo muna. Ipakita sa camera, Sir, na bawat sides, na walang damage or what,” ang sabi ng rider.

Agad namang nag-viral ang video matapos itong i-repost sa Facebook pages.

Ang main item ay nakabalot sa bubble wrap at itim na plastic. Sa hitsura pa lang ng item ay malabong drone nga ang laman nito.

Maririnig din ang nagbubukas ng item na sa palagay nila ay bato ang nasa loob ng plastic.

Nang mabuksan na ang package ay bumulaga sa kanila ang ilang pirasong bato.

Hindi inakala ng customer na mangyayari ito sa kanya dahil maganda ang review at may mataas na rating ang seller.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ibinalik naman ng rider ang higit PHP30,000 na bayad sa customer matapos makita ang laman ng package.

Mabuti na lamang at may record at nariyan rin si kuya rider kaya hindi tuluyang nasayang ang pera.

Maging maingat sa iyong pagbibilhan ng mga gamit o gadget. Mas mabuti nang pumunta sa mismong store kaysa mabiktima ng mga scam.

Post a Comment

Previous Post Next Post