Jessy Mendiola masaya na muling nakasama ang ama

Masaya si Jessy Mendiola na  nakasama niyang muli ang kanyang half-British father na si Roger Tawile nang bumisita sila ng asawang si Luis Manzano sa Dubai.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ang aktres ng ilang bagong larawan nang makasama niya ang kanyang ama.

Ang mga photos ay may caption na “my family” at heart emoji.

Matatandaan na taong 2014 ay naging emosyonal ang pagkikita ni Jessy at ng kanyang ama pagkatapos ng 14 taon.

Sinabi ng aktres tungkol sa kanilang muling reunion ng ama, “I couldn’t help but cry when I saw him again. No words can explain how much I missed my Papa. When he saw me he just hugged me so tight, I couldn’t breathe. First words that came out of his mouth was ‘My Princess’ and that was it, I lost it.”

Noong Hunyo ng nakaraang taon, itinampok ni Jessy ang kanyang ama sa kanyang vlog kung saan tinanong niya ito tungkol sa kanyang reaksyon noong una niyang sinabi sa kanya na ikinasal siya kay Luis.

“I was happy for you because when you get married, it’s your life. And I asked you so many times before, ‘Baby, are you sure? Do you love him?’” kuwento ng ama.

“And you said, ‘Yes, I love him. And I want to spend my future with him.’ For me, that’s enough I just want you to be happy. That’s all. If getting married with Luis makes you happy, Luis, it is,” dagdag pa ni Roger

Sinabi ni Roger na nalungkot siya sapagkat hindi nakadalo ang ama sa espesyal na sandali sa buhay ng kanyang anak na si Jessy dahil sa kasagsagan na kumakalat ang virus na dala ng Covid-19.

Ngunit tiniyak ni Jessy sa kanyang ama na kahit napakalayo nila, ay sapat na para sa kanya ang palagiang pakikipag-usap sa isa’t isa.

Samantala, panoorin ang kanilang masayang pagkikita:

Post a Comment

Previous Post Next Post