Jinggoy Estrada at Jake Ejercito, nirerespeto ang pagpili at pananaw ng isa't isa pagdating sa politika

Sa isang panayam ni Ogie Diaz sa magkapatid na sina Jake Ejercito at Sen. Jiggoy Estrada ay napag-usapan ang kanilang presidential bet.

Ang aktor na si Jake ay nakasuporta kay Vice President Leni Robredo at ang  kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada naman ay supporter ng dating senador na si Bongbong Marcos.

Kahit magkaiba ang kanilang sinusuportahan ay hindi ito nakaaapekto sa relasyon ng magkapatid.

“Dahil si senador ay tumatakbo muling senador at si Jake naman ay iba rin ang kulay, iba ang kulay mo iba, ang kulay ni Jake,” pagdedetalye ni Ogie.

Tumugon naman ang dating aktor, “Opinyon niya ‘yun, may sarili akong opinyon, nagrerespetuhan kami.” Dagdag pa niya, “kung du’n siya sa kabila, dito ako sa kabila, walang problema ‘yun.”

“Very grateful naman kay kuya kasi hinahayaan rin naman niya ako. He respects that I have my own opinion,” wika naman ni Jake.

Ayon pa kay Jake, respeto at hindi naman kailangan ng cancel culture sa panahon ngayon, “We all want the same thing in the end, ‘di ba? Pilipino naman tayong lahat. Hindi naman kailangan you know, ”yung cancel culture ngayon. Hindi naman kailangang mag-away-away.”

Sa ngayon ang mga tao sa socmed at nagtatalo-talo sa kanilang mga sinusuportahan; kahit pa nga raw ang mga magkakaibigan ay nagkakabanggaan pagdating sa kung sino ang pipiliin nito.

“Hindi naman kailangan mag-away, eh. ba’t kailangan mag-away,” saad pa ni Jinggoy.

Nagbiro pa ang senador na kapag nanalo si Bongbong ay magkakaisa na tayo muli, “lalo na kapag nanalo na si Bongbong magkakaisa na tayong lahat, ‘di ba?”

Napatawa na lamang ito sapagkat si Ogie na nag-iinterview ay hindi agad nakapagsalita nang sinabi na kung mananalo umano si Bongbong.

“So kapag nanalo naman si Leni?” tanong ni Ogie kay Jake, sabay nagtawanan.

“Angat buhay lahat!” ayon kay Jake.

Ani Sen. Jinggoy, hindi naman kailangang mag-away-away dahil pare-pareho lang naman daw na ang hangad ay para sa ikabubuti ng bansa.

“Basta, iisa lang naman ang hangad namin sa ating bansa, kapayapaan,” pagtatapos nito.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa closeness ng magkapatid.

“Ganda ng interview very inspiring, open minded sila. Ganito dapat mindset ng lahat ng mga tao especially s politics kahit magkaiba ng sinusuportahan kandidato ang isang pamilya hindi nawawala ang respeto sa isa’t isa.”

“Nag-enjoy ako sa episode na ito, Mama Ogie…ganyan sana lahat ng mga Pilipino kahit magkakaiba ang gustong kandidato ay walang mag aaway at siraan. Magandang halimbawa ang magkapatid na ESTRADA… thank you po. Keep safe everyone and god bless us all.”

 

Post a Comment

Previous Post Next Post