Julia Montes naging emosyonal sa surprise birthday party ng 'FPJ's Ang Probinsyano' family

Nakatanggap ng birthday surprise ang aktres na si Julia Montes mula sa kanyang “FPJ’s Ang Probinsyano” family.

Ang mga larawan at clip mula sa surprise party na inorganisa ng mga tao sa likod ng matagal nang action-drama series ng ABS-CBN ay na-upload online.

Sa isang video na ipinost ng aktres na si Rosanna Roces sa Instagram account, ay nagulat si Julia, 27-anyos na nitong Marso 19,  sa isang birthday song.

“Happy Birthday bebe juls we love you @montesjulia08,” ayon sa caption ni Rosanna.

Makikita ang lead star ng palabas at rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin na hawak ang kanyang birthday cake.

“A glimpse of Coco and Julia as a couple SWIPE !!!Sa fandom na ito, patience is the key. Pasensya po sa late reaction, muntik nang mamayapa ang account ko,” nakasaad sa post ni nancyarcega07.

Ang kilig video (talasan ang mata).

Marami namang tagahanga ang bumati sa kaarawan ni Julia.

“Thank you miss nancy sa vid at pict happy bday juls ang saya namin for cocojuls.”

 

“Happy birthday bebejuls more bless you and stay safe strong.”

“Happy birthday kay Ms Julia. Kitang-kita ang happiness.”

“Thank u miss nancy sa vid at pict (emojis) happy bday juls (emojis) ang saya namin for cocojuls” <3

Matagal nang usap-usapan na may relasyon ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang pag-amin na ginagawa.

Baka talagang ayaw muna nilang i-showbiz ang kanilang relasyon? May tamang panahon.

Basahin:  Larawan ni Julia Montes at Coco Martin kinakiligan ng mga fans at celebrity friends

Kamakailan ay naghatid  ng kilig ang dalawang  litrato na ipinost ni Julia Montes sa Instagram.

Ang isa ay larawan niya na ang background ay isang beach. Nilagyan niya iyon ng caption na “Today is a great day to smile and be happy.”

Si Coco at Julia ay unang pinagtambal noong 2012 sa super hit teleserye na “Walang Hanggan.” Nasundan ang tambalan nila noong 2013 sa “A Moment in Time,” “Ikaw Lamang” noong 2014 at “Wansapanataym” noong 2015.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay ipinakilala si Julia bilang pinakabagong leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na anim na taon nang namamayagpag sa telebisyon.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post