Sana all: BFF Lolas since 1930's, mahigit walong dekada nang magkakaibigan

May kaibigan ka rin ba na hanggang ngayon ay iyong nakakausap? Na kahit malayo kayo sa isa’t isa ay patuloy na nagdadamayan at nagbabalitaan?

Friendship lodis nang maituturing ang tres marias na Lola sa Laguna na halos 85 taon nang magkakaibigan!

Nakilala ang magkakaibigan na sina Lola Norie, 95; Lola Intang, 91s; at Lola Nila, 92, na hanggang ngayon ay malalakas pa rin at masayang nagkukuwentuhan. Ang turing nila sa isa’t isa ay magkakapatid.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ang kuwento ng tatlong matanda at ang kanilang matatag na samahan.

Nalagpasan ang World War II, sinubok pa ng pandemya at nasaksihan pa ang pagpapalit ng 15 presidente ng Pilipinas! Ang mag-BFFs since 1930s!  Nanatiling STRONG!

Paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan?

Nagsimula ito noong nag-aaral sila ng elementarya sa Majayjay Elementary School. Grabe ang tagal na pero tanda pa rin nina lola ang kuwento kung paano sila nagkakilala.

“Noong 1937 naging magka-eskuwela kami ni Norie, Grade 1 ‘yun tapos tuloy tuloy ‘yun Grade 2 naka-eskuwela namin si Intang, lagi kaming magkatabi sa upuan, very close kami,” kuwento ni Nanay Nila.

Sa tatlong magkakaibigan, ang maporma ay si Lola Intang. Hindi raw ito lumalabas nang hindi terno ang damit at bag. Expert din sa pagsasayaw ng Cha-cha at Tanggo.

“Lumalaban ‘yan sa mga contest, kami ni Norie pa sweet sweet lang,” ani Nanay Nila.

“Hindi puwedeng hindi dahil hanggang ngayon ay puwede akong sumayaw sa harapan ninyo,” pagmamayabang ni Lola Intang.

Ang 92-anyos naman ay isang relihiyosa. Siya lang din ang tanging nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa tatlong magkakaibigan, si Lola Norie umano ang siyang may pinakamahabang buhok at siya ding ligawin.

“May manliligaw na nabisita sa aming bahay, ‘Yung mga binatang ‘yun nabili pa ng mga gatas, ilalagay sa buko,” paggunita ni Lola Norie.

Dahil sa makabagong teknolohiya ay doon na lamang nag-uusap-usap ang mga lola. Dahil matatanda na rin at hindi na rin makapasyal nang maayos kaya’t sa video call na lamang nila ito nagagawa.

Sa tulong ng KMJS ay muli silang nagkita sa dati nilang tagpuan — ang dati nilang paaralan.

Ang mga lola, naglaro pa ng ‘Who’s Most Likely’ Challenge!

“Panatilihin natin ang ating pagkakaibigan hanggang sa dulo ng walang hanggan,” ayon sa magkakaibigan.

Ikaw sa mga kaibigan mo ngayon, sino kaya ang mananatiling pang-BFF?

Panoorin at ma-inspire sa kanila:

Post a Comment

Previous Post Next Post