Hindi pinalagpas ni Tingog partylist candidate at Kapamilya star na si Karla Estrada ang panlalait ng isang netizen sa isang PWD (person with disability).
Ang nasabing PWD ay may kapansanan sa kaliwang mata. Matapos nitong magpakita ng pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos ay shinare naman ito ng isang netizen sa Facebook na may caption na “Weh dilat ka nga”

“Isa lang ito sa nangutya sa taong may kapansanan nang dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan. Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo,” ani Karla sa kaniyang tweet noong Marso 24, 2022.
Kalakip ng kaniyang tweet ang profile ng nanlait at nilait, na mukhang naibahagi na sa TikTok.
“Araw araw piliin natin maging mabuti sa kapwa! Mahirap sa panahon ng eleksyon lalo . Pero pilitin nating maging mabuti,” sabi sa caption sa larawan.

“Hindi ko lang ito kaya. Kailangan ko lang magsalita at naaawa ako sa kalagayan ni Kuya na may kapansanan sa mata. Grabe naman ang comment na ito ‘di na makatao. Makakatulong ba ito sa kandidato na pinaglalaban mo?”
“Magpalit nga kayo ni kuya ng kalagayan? Kaya mo? Yan lang ang kaya mo mangutya? Porke’t ‘di kayo magkapareho ng pinaglalaban? Pasalamat ka na lang at buo ang sangkap ng mukha mo! Maraugdaug ka man!”

Ilang netizen naman ang nagkomento
“‘Yan po ang sinasabi natin, aanhin mo ang Degree kung ganyan naman ang ugali. nursing pa naman ang natapos na dapat sila ang unang makakaintindi nyan, ang sakit sa dibdib na pati may kapansanan ay tinitira ng ganyan, wala namang sinabing masama against sa kandidato nila para laitin nila ng ganyan.”
“Kaya nga po maam Karla, ano ba talaga pinaglalaban ng mga to para magawa nila to sa kapwa nila.”
“When you claim you’re educated, act like one! God bless their soul! Always choose to be kind eventhough you feel you’re 100% right.”