Shih Tzu-Maltese crossbreed nakilahok sa mga estudyante sa silid aralan; naparangalan at nag-'graduate' din

“I love school!” Ito marahil ang nais isigaw ng isang alagang aso na Shih Tzu-Maltese kung nakapagsasalita lamang siya.

Ang Shih Tzu-Maltese crossbreed ay isang lahi sa pagitan ng Maltese at Shih Tzu. Ang hybrid na ito ay isang sweet dog na gustong makipaglaro sa mga bata.

Ang ganitong uri ng aso ay matalino at masayahin. Ito ay mahusay bilang isang therapy dog at ang kanyang kahanga-hangang social nature ay magandang katangian para maging great family pet.

Ang iba nating pets ay nagsisilbing bantay sa ating tahanan pero ang alagang aso ni Cesario ay ibang klase ang trip.

Ang 32-buwang gulang na Shih Tzu-Maltese crossbreed na si Oplok ay kinagiliwan ng mga netizens dahil nakaupo ito kasama ang iba pang mga mag-aaral sa isang espesyal na silid-aralan sa Kitcharao, Agusan Del Norte sa ibinahaging post ng Inquirer noong Marso 16.

LOOK: Oplok, a 32-month-old Shih Tzu-Maltese crossbreed, joined other students in a specialized classroom built for an action research project in Kitcharao, Agusan Del Norte to attentively listen and attend class on Monday, March 14.”

Bukod sa pagsali sa mga klase na kanilang isinagawa, sinabi ng uploader na si Cesario Ganot Orongan Jr. na si Oplok ay lumahok din sa graduation rites kasama ang iba pang mga bata upang kilalanin ang kanyang malaking kontribusyon sa proyekto.

“Nakakatulong po [kasi] si Oplok sa akin siya po ‘yung stress reliever ko. Sa mga bata naman po, dahil kay Oplok, na-inspired din po silang pumasok at nasisiyahan po sila,” ani Cesario sa isa pang post ng Inquirer.

Makikita sa isang larawan na may dalawang medalyang nakasabit kay Oplok.

Nakatanggap umano si Oplok ng parangal bilang “The Champion of the Month” dahil siya ay naging tanyag ngayon at nakilala po siya sa social media, pagbabahagi ni Cesario.

Sinabi pa niya na handa siyang gawin ang lahat para kay Oplok kapalit ng kaligayahan at comfort na natanggap niya mula sa kaibig-ibig na aso sa paglipas ng mga taon.

Ilang netizens naman ang natuwa at nagkomento sa adorable na si Oplok.

“Kahit ako gaganahan ako pumasok ang cute kakaaliw siya oh behave.”

“A pet dog is not just loyal, he/she can give comfort during the lowest times.”

“Buti pa sya lagi present. samantalang yung Baby Mo lagi absent.”

Post a Comment

Previous Post Next Post