Kinakabahang 'di maalala ang lyrics ng sariling kanta, Chito nagbaon ng songhits sa concert

Kinaaliwan ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda matapos nitong  magdala ng songhits sa sarili niyang concert dahil umano sa kaba na baka hindi niya maalala ang lyrics ng sarili niyang kanta.

Sa Facebook, ibinahagi ni Chito ang litrato mula sa nasabing pagtatanghal at ikinuwento ang dahilan kung bakit siya may dalang songhits kung saan makikita ang larawan ng kanyang banda sa cover.

chito

“‘Yong kinakabahan ka na baka hindi mo maalala ‘yong lyrics sa sarili mong mga kanta kaya nagdala ka ng songhits sa concert ninyo. Buti na lang memoryado ko pa naman…medyo nalito lang ako nang kaunti,” saad niya sa caption ng imahe.

Marami ang naaliw sa post na ito ni Chito na nakakuha na ng daang-daang shares at mahigit 57,000 reactions, as of writing.

Hindi rin napigilan ng iba na mag-iwan ng kumento. May ilan na nagbahagi na napasaya sila ng post ng kanilang idolo habang ang iba naman ay nagsabi na hindi importante sa kanila kung papalya man ito sa ilang salita o linya dahil anuman ang mangyari ay mananatili silang tagahanga ng banda.

chito

“Marami nagmamahal sa PNE,” wika ni G. Balomaga. “Kahit na malimutan mo pa lyrics, okay lang ‘yan Sir Chito. Marami pa rin kayo napapasaya.”

“Okay lang ‘yan. ‘Di mo kailangan maging perfect na perfomer para sa mga tulad namin na binigyan n’yo ng kaunting oras n’yo dito sa ibang bansa. Juskooo, ‘yong buong banda n’yo na humarap sa’min, sapat na sapat na,” ani C. LN. “Isa kayo sa mga babaunin kong alaala bilang isang OFW sa UAE.”

“Solid pa rin ‘yan, idol, kahit nalimutan lyrics,” saad naman ni B. Almengar. “Sa dami ng kanta n’yo, natural lang malimutan talaga.”

Mayroon ding mga nagbahagi ng litrato ng songhits na mayroong kanta ng Parokya ni Edgar, kabilang na ang ilan na mayroong kopya ng mismong songhits na hawak ng musikero.

chito

Post a Comment

Previous Post Next Post