Yassi Pressman tinangkilik, pino-promote ang handicraft ng mga kababaihan sa QC Jail

Ginagamit ni Yassi Pressman ang kanyang plataporma para isulong ang mga handicraft na gawa ng mga kababaihan sa Quezon City Jail.

Kamakailan ay bumisita ang aktres sa Quezon City Jail female dormitory para magbigay ng personal care products bilang pagdiriwang ng Women’s Month.

“Visited the Quezon City Jail Female Dormitory to buy shampoos and conditioners for 600 of these beautiful women who deserve a second chance. Happy Women’s Month,” ayon sa post ni Yassi.

Binili rin niya ang lahat ng kanilang handcrafted na bag at unan na naka-display, at umaasa na ang kanyang mga tagahanga ay isasaalang-alang din na bumili mula sa kanila.

“Para maramdaman naman nila na ‘yung pinaghihirapan nila may magandang kapalit!” sabi niya, “They can use that budget for personal needs, or puwede rin nilang i-share sa pamilya nila dito sa labas.”

“Sana po kung bibili din po kayo ng bagong bag o regalo, baka masilip n’yo po ‘yung mga gawa nila at makakatulong pa po tayo,” dagdag pa ng aktres.

Ang pagbisita ni Pressman sa Quezon City Jail ay isang inisyatiba ng Spark Philippines; isang non-government organization na naglalayong itaguyod ang pag-unlad ng kababaihan at kabataan.

Masaya ang aktres sapagkat kahit papaano ay nakatulong siya at napasaya rin niya ang mga kababaihan sa loob ng QC Jail.

“Alam n’yo po nakakatuwa po dahil naniniwala sila na sa pansamantalang tahanan po nila na iyon, may maganda pa rin pong bukas na nag-aabang sa kanila,” aniya.

Nagbahagi rin ng mga larawan ang aktres tungkol sa women empowerment na mapapanood umano sa kanyang YouTube Channel at ipapalabas  sa darating na Marso 26.

Aniya, “A special self-produced piece dedicated to all the different kinds of women in the world worked with some of the most amazing creatives I’ve gotten know. Can’t wait to share this with you all.”

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post