Kuliglig, mga kalabaw, nagda-drive thru na rin

Karaniwan nang nakikita ang mga kotse, motor, van atbp na nakapila sa drive-thru ng mga fastfood chains. Pero sa ilang lugar, pati mga kalabaw at kuliglig, nagda-drive thru na rin!

Hindi lang kotse ang puwedeng mag-drive-thru para makabili ng instant food kundi ilang kalabaw din at traktorang kuliglig ang nadagdag sa mga suki ng drive-thru sa fast food restaurant.

Sa ulat ng State of the Nation, kuwento ng uploader na si Sonny Avendanio, huling hakot na nila ng ani noon ng kaniyang mga kasama nang maisipan nilang bumili ng pagkain sa fast food.

Masaya namang nagpaubaya ang ibang mga sasakyan at pinauna ang mga kalabaw at ang mga kariton nito.

@sonnyavendanio0huling hila bago matapos anihan drive thru muna

♬ Sama-Sama – Ex Battalion

Ibang klase naman ang ride trip ng magbabarkada sa San Leonardo, Nueva Ecija dahil imbes na kotse o motorsiklo, ang napakaingay na kuliglig sa pagsasaka (tractor)  ang ginamit nila para makapagdrive-thru sa isang fast food chain.

Hindi raw inaasahan ni Michael Ciriaco at kaniyang mga kaibigan na marami ang matutuwa sa kanilang video na ibinahagi sa TikTok.

@drivethruboys♬ Sama-Sama – Ex Battalion

Nagbalik-tanaw naman ang ilang netizens at ibinahagi ang kanilang naging karanasan sa pagsakay sa sasakyang pangsaka noong kabataan nila.

“Kaway kaway sa mga nakaranas sumakay ng traktor simula nung bata ako hanggang high skol ganyan sasakyan namin pupunta sa bukid sa kapilya pati sa dagat, ang saya saya.”

“Ayos ang saya naman tapos mo magsaka sa palayan food trip tanggal pagod at stress simple but true happiness minsan lang mangyari sa buhay kabataan happy memories.”

“Ganyan din gamit ng tatay namin noon sa bukid. Gamit n’ya minsan panghatid samin sa school kase dun daan n’ya pabukid tapos nakatingin samin mga bata sa daan kase ang ingay at mabagal pero masaya naman haha. Kakamiss ‘yung simpleng buhay sa probinsya.”

“Kakamiss sumakay sa ganito. Lalo na pag dadaanan mo ay lubak at batohan. Alog ang ulo mo, pero super saya. Si tatay na nagda-drive ng kuliglig, ang lakas ng boses pag kinakausap kaming mga nakasakay sa likod. Sobrang saya.”

 

Post a Comment

Previous Post Next Post