Petsa Marso 8 nang ipinalabas ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin tungkol sa isang usap-usapan na nagdadalantao na si Angelica Panganiban sa anak nila ni Gregg Homan.
Prangka ang naging reaksyon ng beteranong showbiz columnist sa espekulasyon sa pinakabagong episode ng Cristy Ferminute.
“Eto na naman tayo sa kwento kay Angelica Panganiban. Ang matindi nang sakit ng ating mga kababayan, na kapag malaki-laki lang nang konti ang suot na damit ng artista ay nagdadalang-tao na. Okay, kapag pumayat, nagpa-abort,” ani Nay Cristy.

“Si Angelica Panganiban po ay mas madalas nang nasa Subic kasama ang kanyang boyfriend na si Gregg Homan. Pumupunta na lang po siya dito sa Maynila kapag may trabaho. E nagkataon, nu’ng one time maluwag ang damit ni Angelica, ano ang sabi ng mga Marites?”
Nagkomento rin si Nanay Cristy sa pagpalit ni Pia Wurtzbach kay Angelica sa upcoming Kapamilya sitcom ni Piolo Pascual dahil hindi niya ito tinanggap, kung saan in-assume ng mga marites na buntis na nga talaga si Angelica.

“Kahit gaanong kaganda ang isang proyekto, may mga pagkakataon na umaayaw na sila dahil gusto kasi talaga nila ng kapribaduhan. May mga ganu’ng artista, hindi naman po pera-pera lang ang pag-aartista,” ani Nay Cristy.
“Mas matindi pa rin po ang pagke-crave nila ng privacy. Gusto po nilang makapagpahinga, gusto nilang mabigyan ng panahon ang kanyang relasyon, ‘di ba?”

“Kaya kahit ga’no kaganda ‘yung sitcom dapat na ito, ay hindi talaga tatanggapin. Mas mahalaga sa kanya ‘yung magkaroon sila ni Gregg ng panahon na makilala nila nang mabuti ang isa’t-isa,” dagdag pa niya.
“Kung totoo man na nagdadalang-tao na siya, siguradong-sigurado na siya sa kanyang ka-partner.”
“Hindi pa siguro at kung sakali nga po na totoo ang kwento na nagdadalang-tao na siya, mayroon naman po siyang kapareha. Posible naman po ang kasalan, hindi na po bumabata si Angelica. Natural lang na mangarap siya na maging nanay na at magkaroon na talaga ng anak.”
Panoorin:
Update:
Sa isang Instagram story, nagbahagi si Angelica ng isang larawan ng bubot na mangga. Hmmm, sa Pilipinas, ang manggang hilaw ay kadalasang kine-crave ng naglilihing ginang. Isa na kaya itong pahiwatig na totoo nga ang mga ispekulasyon?
Mukhang sablay ang ‘hula’ ni Manay Cristy ah.
