Mas naging memorable sa magkasintahan na sina Joseph Riparip at Larraine Fernando ang presidential campaign rally ni Leni Robredo sa Pasig noong Marso 20, 2022 nang mag-propose ang lalaki sa kaniyang kasintahan.
Maraming supporters ni Leni ang dumalo sa mga kalye Doña Julia Vargas Avenue at Emerald Avenue sa Ortigas.
Sa ipinost na videos, makikitang pinaligiran ang dalawa ng kapwa Kakampink supporters.
Lumuhod si Joseph na may hawak na itim na box, kung saan nakalagay ang engagement ring.
Naging mas memorable ito sa ilang tao dahil sa naganap na proposal.

Dahil sa gulat ni Larraine ay nahampas pa niya ang kaniyang boyfriend gamit ang hawak na nakarolyong tarpaulin.
Nag-yes naman ang babae kaya nagpalakpakan at naghiyawan ang kapwa supporters nila.
Lumapit si Larraine sa kaniyang boyfriend at inabot ang kaliwang kamay nito para ipasuot ang engagement ring.
Tumayo si Joseph at niyakap si Larraine na fiancee na niya bago matapos ang campaign rally.

Ang nasabing video ay na-post sa social media at naging viral.
Maging ang mga netizens ay bumati sa magkasintahan
“Sa gobyernong tapat Nagka dyowa ang lahat! Ang daming naka-witness! Congratulations to this kakampink couple.”
“Alam mo un 20 or 30yrs from now they’ll look back and they will tell stories to their children or grandchildren na sa Pink rally nag-propose ang dad nila. So epic!! Congrats.”

“Magiging name ng anak nila sa future Rosie Rallie. Congratulations kakampink couple!”
Matatandaan namang nag-top si Ariana sa mga trending topics sa Pilipinas.
Ito’y matapos niyang mag-repost sa kanyang Instagram account ng dalawang video ng crowd sa Emerald Avenue, Pasig City kung saan naririnig ang mga taong nakasuot ng pink na kumakanta ng kanyang 2014 hit song na “Break Free.”
Ang pag-awit ng “Break Free” sa political rally ay bahagi ng pagtatanghal ng mga Filipino drag queens, sa pangunguna ni Minty Fresh na nakasuot pa ng Ariana Grande outfit.
Samantala, silipin ang naganap na proposal sa gitna ng campaign rally.
CONGRATULATIONS!! 🌷💞💞💞 pic.twitter.com/VJAfeABnSJ
— pb #LabanLeni2022 (@phoebevicencio) March 20, 2022