Pinaghahanap na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaking diumano’y bumili sa sanggol ng isang babaeng lulong sa e-sabong.
Noong isang araw ay napaulat na ibinenta ng isang nanay ang kaniyang anak sa halagang P45,000 matapos magkandautang-utang at malulong sa e-sabong.

Ang buyer umano ay isang lalaki na hindi naman nakilala ng nanay kung ano ang tunay na pangalan.
Sa panayam ng GMA News kay NBI Director Eric Disto, hinimok ng opisyal ang naturang buyer na ibalik na lamang ang bata sa kaniyang nanay.
“Ibalik mo yan. Ibabalik rin ‘yung nagastos mo. Kung hindi hahanapin ka namin,” ani Distor. “Nandito ang tunay na ina, umiiyak. Agents, hanapin ninyo.”

Dumulog na kasi sa NBI ang nanay matapos umanong mapagtanto nito ang maling nagawa. Ngayon ay nakikiusap ito sa buyer na ibalik ang kaniyang anak dahil handa naman siyang isauli ang ibinayad na pera.
“Sana po makipagtulungan na po siyang ibalik ang anak namin. Ibabalik naman po ang pera. Hindi ko na po gagawin ang ginawa ko po,” pakiusap ng ina.
Inamin dati ng nanay na nabaon siya sa utang dahil sa e-sabong kaya umano niya ibinenta ang kaniyang anak sa halagang P45,000.
Pumayag rin umano siya sa buyer na ilipat ang paternity ng bata upang maiwasan ang anumang pananagutan sa batas.

Subalit matapos mahimasmasan, nagsisi ang nanay at nagpasiyang ibalik na lamang ang pera at bawiin ang sanggol.
Sinubukan niya raw na kontakin sa Facebook ang lalaking buyer subalit hindi na ito sumasagot sa kaniyang mga mensahe at pakiusap.
Dahil dito, nagpasiya ang nanay na humngi ng tulong sa mga awtoridad upang matunton ang lalaki at mabawi ang kaniyang anak.
Baka sakaling may nakakaalam sa kinaroroonan ng bata at ng bumili: