Kamakailan ay naging usap-usapan sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil sa mga haka-haka na nahaharap sila sa problemang mag-asawa.
Kumalat ang mga balita tungkol sa diumano’y breakup ng celebrity couple noong Enero; tatlong buwan pagkatapos nilang magdaos ng isang magandang church wedding.
Sa gitna ng mga nasabing usap-usapan, sinabi ni Cristy Fermin na narinig niya na gusto na raw mag-file ng annulment ng Kapuso actress.

Ipinalabas ni Nanay Cristy ang tungkol sa sabi-sabi sa episode ng Cristy Ferminute noong Marso 16.
“At ngayon nga may napapabalita na namang annulment na si Carla daw ang magsusulong,” ani veteran showbiz.
“Ito ba ang problemang sinasabi n’yong pu-puwede n’yong ayusin, kaya n’yong ayusin. Uuwi na ito sa annulment, ano ‘to?” dagdag pa niya.
“Dapat to hindi na talaga pinahaba nay eh. Isang buwan, ok na ‘yun, nagpalamig sila. Pero ilang buwan na, ‘di ba?. Kaya lalong naglabasan ngayon,” ayon naman kay Rommel.

“Dapat nung unang buwan pa lang na nagpalamig kayo, nag-usap na kayo, ilabas ninyo ang totoo. Wala nang kumalat na pangit pang mga imahe sana,” dagdag pa niya.
Kamakailan lamang ay binasag ni Rey ‘PJ’, ama ni Carla, ang kanyang pananahimik sa napapabalitang paghihiwalay nina Carla at Tom.
Sa guesting niya sa Cristy Ferminute, sinabi ni Rey kay Cristy na laking gulat niya nang malaman niya ang kumakalat na usapan.
Ibinunyag din niya na agad niyang itinext ang kanyang anak tungkol sa isyu. Nag-open daw si Carla sa kanyang ama, at ang tugon nito, “Hindi kami okay ngayon ni Tom.”

Ibinahagi din ni Rey na umamin sa kanya ang kanyang manugang na si Tom tungkol sa pagkakaroon ng one-night stand niya.
Basahin: Rey Abellana sinabing one-night stand ang dahilan ng gusot nina Tom, Carla
Pagkaraan ng ilang araw, sinabi ni Rey ang ilang paglilinaw tungkol sa kanyang pahayag at idiniin na hindi totoo ang one-night stand na isyu ni Tom. As per Rey, nilinaw na ni Tom kay Carla na walang katotohanan ang umano’y pagtataksil niya.
Basahin: Rey ‘PJ’ Abellana nilinaw ang sinabing ‘one night stand’ issue ni Tom Rodriguez
Panoorin.