Karaniwan sa mga tahanan ay may tinatawag na ‘house rules’ — mga tuntunin at patakaran na dapat ay sinusunod ng mga kasama sa bahay para sa mas maayos na pamumuhay.
Pagod ka na bang maglinis pagkatapos ng gulo at kalat na nilikha ng iyong anak o iba pang mga kasama sa bahay?
Ang nanay na ito ay nakahanap ng isang epektibong paraan para sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa tahanan.
Trending ngayon sa social media ang mga larawang in-upload ni Van Gar sa kanyang Facebook wall at sa group na Home Buddies, kung saan ay ibinahagi niya ang mga larawan kuha sa bahay umano ng kanyang kaibigan na may mga nakapaskil tungkol sa House rules.
“Sa bahay ito ng friend ko tapos nakita ko ito hahahah hindi ako mahilig magbasa pero natapus ko itong basahin haha may mga ganito din ba kayo sa mga bahay niyo?” sa caption ni Vanz sa kanyang FB post.
Hindi na rin niya binanggit kung sino man ang kanyang kaibigan sapagkat mahiyain daw ito.
“Please wag na kayo mag pa-friend reveal ah mahiyain ‘yun eh hahaha,” dagdag pa niya.
Marami ang naka-relate sa ibinahaging larawan ni Vanz at sinabing ganoon din ang kanilang mga nanay.
Narito ang ilang reaksyon at komento ng mga netizens.

May mga ilan na nagsabi na sana ay may nakapaskil din sa kanila, “Dapat talaga may ganito sa bahay eh”
“What if required ito sa lahat Ng bahay.. Like part Ng culture na hindi pwede maalis, Lalo na sa extended family.. Ang organized siguro Ng bawat bahay.”
“Nasa CR pa lang tayo. Wag natin paabutin sa buong bahay ang BOND PAPER. HAHAHAHA”
“Tama din yan, minsan kailangan din natin ng reminder, kasi busy na sa kababasa sa mga comment sa HB.”
“Magaya nga ito hahaha para bawas ingay sa bahay.”
“I had a toilet version when I rented a room for my work before. Shared bathroom sya pero mas nauna ko naging tenant sa 3 bagets na housemate ko. lol,” komento ng isang boarder na nagbahagi ng larawan.

“Ay bet ko to! Meron din naman talaga kasing mga wa-pakels sa bahay.”
“Sana hindi na umabot sa ganito. Kaya tinuturuan ko na ang mga anak ko habang maliit pa para mainstill sa kanila yung disiplina sa bahay. Para hindi sila burara sa mga gamit at alam nila ang responsibilidad sa gawaing bahay paglaki nila.”
