Lyca Gairanod aawit sa UniTeam, netizens nagsabing ‘Huwag i-cancel, minor ‘yan!’

Usap-usapan ngayon sa social media ang ‘The Voice Kids’ ng Philippines Season 1 Grand Champion Lyca Gairanod nang makita ang pangalan niya sa talaan ng mga magtatanghal sa gaganaping campaign rally at motorcade ng Uniteam sa Las Piñas City sa darating na Linggo, Marso 13, 2022.

Ang kongresistang si Camille Villar na kapatid ng tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam na si Mark Villar ay nagbahagi ng larawan sa kanyang Facebook page kung saan ay makikita ang pangalan ng singer.

“Magkita kita po tayo ngayong Linggo Las Piñeros!” saad sa caption ng art card na ibinahagi ni Villar. Bukod kay Lyca, nakalinya rin sa mga celebrity na magtatanghal para sa audience ang mga bandang Silent Sanctuary, Hale, Plethora, Andrew E at Toni Gonzaga.

Ang mga netizens ay nagsabing huwag i-cancel si Lyca ng ibang mga tagasuporta ng ibang kandidato. Una, menor de edad pa lamang ito at hindi naman daw botante. Pangalawa, ito raw ay trabaho para sa singer.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng ilang netizens.

“Lyca is too young. She might need this ‘gig’ money wise. Shaming and cancelling her is sooooo wrong. Please lang, be the sensible and understanding Kakampink.”

“Cancel culture, not Lyca please.”

“Lyca Gairanod is too young for this stuff. Dumaan tayo sa phase nyang di mulat at walang solid na political background. Do not cancel her.”

“I will not cancel Lyca kung kakanta siya sa rally …why? She’s a minor, she is not a voter, she needs the money since she is inactive sa showbiz, I believe na trabaho lang ‘yan at di siya apolohista, and we can still educate her.”

“Cancel culture. Not Lyca please. She is a breadwinner. She’s a minor. Let her work for her family.”

“Ang dapat sisihin diyan yung manager na may hawak sa kaniya, siya yung adult eh.”

Ang Grand Champion na si Lyca ay wala pang naging pahayag tungkol sa isyung lumalabas.

Post a Comment

Previous Post Next Post