Nadine gusto nang mag-goodbye sa loveteams; Bibida sa 'Greed' kasama si Diego Loyzaga

Sa panayam sa kanyang virtual media conference noong Huwebes ng gabi, sinabi ng Filipina aktres na si Nadine Lustre na ‘past the love team phase’ na siya dahil inaabangan niya ang mga bagong proyekto sa pelikula sa labas ng romance genre.

Nilinaw ni Nadine na pagkatapos ng tatlong taon na off cam ay hindi siya naghahanap ng anumang magiging love team pairings.

Naghahanda siya para sa premiere ng horror-thriller movie ni Yam Laranas na ‘Greed’, kung saan kasama niya ang first-time screen partner na si Diego Loyzaga.

Sinabi ni Nadine na pakiramdam niya ay “totally past the love team phase” na siya habang inaabangan niya ang mga bagong uri ng mga proyekto, ngunit naniniwala rin siya na “that it’s something a lot of celebrities really go through.”

“It’s not a bad thing, though. A love team is a partnership. If you’re in a love team, you pull each other up. It’s really team work. Feeling ko I’m already past that. When you reached this age, feeling ko wala nang love team,” aniya.

Bukod sa gustong mag-solo sa kanyang career, nagpahayag din ng interes si Nadine sa paggawa ng mga pelikula o proyekto sa labas ng romance genre.

“Gusto ko psychopath naman ako in my next project. Something different. Para naman exciting siya kung gagawin ko. Para iba din ang pakiramdam kung iba’t ibang characters ang gagawin mo.”

“Ang na-miss ko talaga sa pag-arte, where you portray a character. I don’t mind doing thriller, action, horror. Scripts that are mind-boggling. Kapag binasa mo, talagang mapapa-isip ka.”

Bago ang proyekto na ito, nakatuon si Nadine sa kanyang musika sa ilalim ng record label ni James, ang Careless Music. Naglabas siya ng all-original 12-track album, Wildest Dreams, noong Oktubre 2020, sa kanyang ika-28 na kaarawan.

Nagtagal din siya sa Siargao sa gitna ng pandemya.

Nakatakdang ipalabas ang Greed sa Marso 16 sa Vivamax Plus, at sa Abril 8 sa Vivamax. Sinusundan ng pelikula ang kuwento ng isang mag-asawang nanalo ng pinakamalaking lottery jackpot at nagtangkang lumabas nang tahimik mula sa kanilang bayan.

Silipin ang trailer:

Post a Comment

Previous Post Next Post