Wala nang planong dumalo sa mga debate si vice presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio habang papalapit na ang national election na gaganapin sa darating na Mayo.
Ayon sa pambato ng Lakas-CMD at UniTeam, napagdesisyunan na niyang hindi sumali sa mga debate at sa halip ay tututukan na lamang ang kaniyang kampanya.

“We already released a statement about the debates. I have already decided that I will do this campaign without joining debates,” ani Inday Sara sa panayam ng mga mamamahayag noong isang araw.
“Iniiwan ko na po ‘yan sa lahat ng ating kababayan ang pagdedesisyon sa pagpili nila sa vice president na ganito po ang aking direksyon sa kampanya,” wika pa ng alkalde.
Ginawa ni Duterte-Carpio ang naturang pahayag matapos tanungin kung pinal na ang kaniyang desisyon na hindi sumipot sa Comelec vice presidential debate sa Marso 20.

Kung sakali man daw na magbago ang kaniyang isip, ipaaalam niya ito sa publiko.
“Well, kung magbago man o hindi, we will let you know, but as of this very moment that decision is to conduct this campaign without joining debates,” giit ng anak ng pangulo.
Tulad ng kaniyang ka-tandem na si presidential aspirant Bongbong Marcos, hindi sumipot sa mga nakaraang debate si Inday Sara maliban na lamang sa inorganisa ng SMNI ni Pastor Apollo Quiboloy.

Samantala, 9 sa 10 kandidato sa pagkapangulo ang nagkumpirma na dadalo sila sa Comelec ‘PiliPinas Debates 2022’, ayon kay Spokesperson James Jimenez.
Kabilang na rito sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Faisal Mangondato, Jose Montemayor at Leni Robredo.

Wala pa ring kumpirmasyon ang kampo ni Bongbong Marcos kung makadadalo ang dating senador sa naturang debate.
Ang unang Comelec presidential debate ay gaganapin sa Marso 19 sa Sofitel Hotel sa Pasay City, habang ang ikalawa naman ay sa Abril 3,