Viral sa social media ang isang nanay o tinatawag na ‘modern nanay’ sa kanyang kakaibang diskarte sa pagluluto.
Nakilala ang mommy na si Connh Cruz sa TikTok kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga iniluluto. Hindi lang simple ang ibinabahagi niya; minsan ay nilalagyan niya rin ito ng twist na patok na patok sa mga manonood.
Masaya siya sa kanyang ginagawa at kahit ‘yung mga nanay ay nakaka-relate lalo na ‘yung mga gustong matutong magluto.

“‘Yung mga recipe na gusto ko pong iluto so ipinopost ko po siya online, so pangalawa naisipan ko na rin videohan ang pag-oorganize ko,” aniya sa isang panayam.
“Sundan mo lang ‘yung puso mo kung ano ang alam mong gusto mong gawin videohan mo, for sure mararamdaman ng tao ‘yan, papatok ‘yan,” dagdag pa niya.
Tama! Ang pagluluto ay isinasapuso. Iba rin ang saya kapag naipapakita mo o naibabahagi mo ang iyong mga kaalaman.

Isa ring sikat sa kanyang TikTok page ang pag-aayos ng mga gamit o pagrefill ng mga sangkap. Sinasabi ng mga netizens na may ‘ASMR’ o autonomous sensory meridian response ang video, na ang ibig sabihin ay nakaka-relax pakinggan at nakaeengganyong panoorin.
Maging creative at mag-experiment sa mga luluting pagkain. “Kapag may nakita kang de lata d’yan katulad ng ginagawa ko, nilalagyan ko ng gulay para kahit mura lang ang ating lulutuin kahit papaano’y healthy naman para sa ating pamilya.”
Simple lang ang mga pagkaing kanyang inihahanda. Bukod sa mura ay healthy pa ang nakakain ng pamilya ni mommy. Nakatutulong pa siya sa iba niyang followers sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tips.

Isa pa rin niyang naituro ay kung paano mag-weekly budget plan. Aniya, sa mga lulutuin dapat may plano. “Para nababalanse mo ‘yung budget ng family, hindi ‘yung kinabukasan hindi mo alam kung ano ‘yung lulutuin.”
Mga nanay at tatay, nasa mga kamay natin ang pagkakaroon ng malusog at pagpapakain ng healthy sa ating pamilya. Maging madiskarte at malikhaing magulang. Tiyak na male-level-up ang pagkaing iyong ihahain.
Dahil laging trending ang madiskarteng nanay, ang kanyang followers sa Facebook ay nasa 3.3M na at sa YouTube ay 169k at sa TikTok naman ay 3.9M followers at 53.2M likes na!
Baka nais mong maki-TikTok na sa kanya!
@connhcruzthemodernnanay Pagkain ng mga zombie | Watch till the end 😆🙈 #MARCHarap #ConnhCruz #Eatsltd #ASMR ♬ original sound – Connh Cruz