Karamihan sa ating mga Pinoy ay ginagawa ang ‘ipon challenge’ at ang iba ay ibinabahagi ito sa social media upang maka-inspire ng iba pa.
Maraming klase ng alkansya ang maaari namang gamitin gaya ng lalagyan ng pulbo, piggy bank, galon ng downy o ‘yung tinatawag na ‘bamboo alkansya’ na kadalasang ginagamit ng mga bata noong 90’s at marami pang iba.
Viral sa social media ang diskarte ng isang online seller na si Keisha Jean Abril mula sa Quezon Province dahil nakapag-ipon ito ng halos P 6,000 sa pagsisimula ng 2022!

Araw-araw ay naglalaan ng P100 o P200 bill si Keisha at inilalagay ito sa isang maliit na plastic bag. Sa katapusan ng linggo, ay idinidikit niya ang bawat bill sa kanyang kalendaryo sa bahay.
“I have a plan for the future po kaya sobrang desidido po ako mag-ipon, kapag hindi ako nag-ipon wala akong mapupundar na kahit small house man lang,” aniya.
Nagpasya siyang gawin ang ipon challenge matapos niyang mapanood ang ideyang ito sa Tiktok at hikayatin ng kanyang mga magulang na mag-ipon kung sakaling magkaroon ng emergency.

Ganito raw muna ang set-up niya habang inaayos niya ang kaniyang bank account. Panatag naman daw si Keisha na hindi mananakaw ang kaniyang pera dahil may alaga siyang aso at lagi daw may tao sa kanilang bahay.
Ang viral video ay humakot ng 1.1M views at 12k reaksiyon.
Ilan naman sa mga netizens ang nagkomento at nagsa-suggest na ilagay sa insurance ang savings niya at nagpaalala ang iba na ayusin nang mabuti ang mga bills kapag idineposito ito sa bangko.
“Highly suggest, ilagay niya sa insurance ang savings. Mas maganda ang returns in the future ‘di lang para sa kanya, kundi para sa pamilya.”
“Make sure ayusin n’yo lang mabuti ang bills kapag dineposito n’yo na sa Bank (kung idedeposit ha), maarte banko, nag-ipon din kami last year, sinabihan ako ng Teller na next time kailangan maayos ang Bills. Happy Ipon po.”
May iba-ibang klase ng pag-iipon gamit ang kalendaryo at makapipili ka sa TikTok kung anong style ang nais mo.
Bilang pampagana kung wala ka pang ipon, panoorin ito:
@kcrochet.ph #iponchallenge #fyp #fypシ #foryou #foryoupage #tiktok ♬ original sound – Cyr4x²•⁰ – Cyrax²•⁰
