'Masakit pa sa breakup': Lalaki nanlumo nang makitang kinain ng anay ang kanyang pera sa alkansya

“Ang hirap mag move on guys. gusto ko umiyak ngayung araw.”

Viral sa social media ang isang video kaugnay sa naipong pera sa alkansya na inanay na pala, Labis na ikinalungkot ng lalaki ang sinapit ng kanyang ipon.

Lubos na nanlumo ang lalaki matapos niyang makita ang kinahinatnan ng laman ng kanyang alkansya.

Marami-rami na rin sana ang kanyang naimpok na pera. Mayroon pa namang nailigtas at hindi pa tuluyang nakain ng anay ngunit mahigit sa libo umano ang hindi na talaga mapakikinabangan.

Nagviral sa TikTok ang in-upload ni Randy Boganutan na video, kasabay ng pagpapaalala at payo na hindi recommendable ang pag-aalkansya sa kahon, karton o kahit na sa kahoy.

“Mas masakit pa sa break-up ang nararamdaman ko ngayon,” ayon sa kanyang caption.

Sadyang ang kahoy at karton na alkansya ay maituturing na marupok pagkat malakas ang panghatak nito sa anay o bukbok.

“My God, guys hindi talaga recommendable ito, alkansya ko anong nangyari inuuod, inanay,” saad ng lalaking nanghihinayang sa perang nagkasira-sira na.

Kung gusto ninyo mag-ipon ay mas mabuti na rin siguro na pumunta sa pinakamalapit na banko periodically; halimbawa, weekly o once a month.

Glass at plastic containers na selyado ang nasubukan na ng marami kung talagang nais ng medyo matagalang pag-iimpok sa alkansya. Tiyakin din na silip-silipin ang impok at huwag basta hulog lang nang hulog.

Narito ang mga naging reaksyon at komento ng mga netizens.

“Pang barya lang kasi ‘yang alkansya na ‘yan dahil papel ‘yan or karton aanayin talaga ‘yan lalo kung mabasa. pag karton talaga kinakain ng anay talaga tsaka dapat mag-insecticides na sila kasi baka kumalat pa ‘yan makain pa at sirain pa ang iba dyan sa lugar na ‘yan.”

“Sayang naman ‘yung pinaghirapan mo lods kakalungkot naman lods. Pag mag-alkansya kayo lagyan niyo po ng maraming paminta at laurel para ‘di uurin o magka insekto.”

“Maanay talaga ‘yan kasi ‘yung alkansya na ginamit mo ay karton lang?? alam mo naman kapag karton inaanay talaga ‘yan. dapat alkansya mo gawa sa lata, mas ok ‘yun.”

@andygasangboganutanang hirap mag move on guys. gusto ko umiyak ngayung araw.

♬ original sound – Josephine Biolena Saba – Josephine M. Biolena

Post a Comment

Previous Post Next Post