Ang South African na si Pigcasso ay may espesyal na talento pagdating sa sining na hindi mo aakalain na siya mismo ang may gawa.
Napahanga niya ang mga tao sa buong mundo sa kanyang galing sa pagpipinta. Ang kanyang pinakabagong abstract na gawa ay nakuha ng isang German sa halagang $26,500.
Na-break ang dating record na $18,000 para sa likhang sining na ipininta ng isang hayop.
Nakagawa na si Pigcasso ng mahigit 400 obra mula nang mailigtas mula sa katayan noong siya ay biik pa lang.

Kasalukuyan siyang nakatira sa isang ligtas na kanlungan para sa mga na-rescue na hayop at hinihikayat na magpinta nang madalas hangga’t gusto niya.
Maaaring tumagal nang ilang linggo bago makumpleto ang bawat painting ni Pigcasso.
Ang intensyon ng kanyang amo ay ipakita kung gaano kamalikhain at katalino ang mga hayop.

Ipinanganak si Pigcasso noong Abril 2016 sa isang industriyalisadong sakahan ng baboy sa rehiyon ng Winelands ng Western Cape, South Africa. Siya ay iniligtas noong Mayo 2016 ni Joanne Lefson at dinala sa Farm Sanctuary SA sa Franschhoek.
Siya ay may bigat na 700-kilogram at nakabenta na ng milyun-milyong halaga ng mga likhang sining sa buong mundo. Kilala si Pigcasso sa pagiging unang non-human artist na nagho-host ng sarili niyang art exhibition

Ayon sa may-ari at founder ng sanctuary na si Joanne Lefson, ang pagpipinta ay natural na dumating kay Pigcasso. Di-nagtagal pagkatapos na siya ay mailigtas, binigyan siya ni Lefson ng ilang mga bagay na laruin at agad naman nitong pinansin ang mga paint brush.
“For some reason she took a knack to the paintbrushes and it wasn’t long before she was dancing the brush across the canvas and selling artworks all over the world,” ani Lefson sa CBS News.
Samantala, magkakaroon ng exhibit si Pigcasso sa darating na Hulyo.
View this post on Instagram
Kung nabitin ka sa kuwento ni Pigcasso, maaari mong panoorin ang video na ibinahagi ng UNILAD sa kanilang YouTube Channel.