Pay it forward: Netizen binigyan ng pamasahe ng kapwa niya pasahero sa barko

Nag-viral sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa pagtulong sa kaniya ng kapwa niya pasahero sa barko.

Ayon kay Mark Napallacan, Marso 7 nang pauwi siya mula Cebu, nang may P100 na lamang na natitirang pera sa kaniyang wallet.

Kausap niya ang kaniyang nanay sa telepono at sinabing kulang na ang P100 pamasahe papuntang Palo, Leyte kung saan siya nangungupahan.

“I was on the phone with my mom, I told her I only have 100 pesos left on my wallet,” aniya.

Ang hindi alam ni Mark, may nakarinig sa kaniya kaya nang bumalik siya sa kaniyang teheras matapos magpahangin, nakita niya ang P1,000 na nakalagay sa ibabaw ng teheras.

“I went outside the tourist accommodation to get some air and suddenly a passenger on Roble Shipping overheard our conversation and when I came back I saw one thousand pesos bill on my bed (1,000)”

“Miss pia, if you’re reading this idk how to thank you bless you always. If this post blows out ill be able to thank miss pia through chat,” aniya sa kaniyang post.

Nakaipit ito sa papel na may mensaheng “Pay it forward” at nakalagay ang pangalang ‘Pia’. Nahanap na ni Mark si Pia at napasalamatan na ito sa kagandahang-loob na ipinakita sa kaniya.

Dahil dito ay maraming netizen ang na-inspire dahil sa kabutihang loob ni Pia.

“So inspiring and admiring. God bless u always Pia and may your good doings and words be spread around to many individuals who are helpless. Keep it up.”

“You have a big heart “PIA” sana madami pa ang tulad mo sa mundo. May God Continue to shower you more blessings, keep you safe and protection, salute to you!”

“KINDNESS is one thing you cannot give away it always comes back. Siguro mabait at mapagbigay din ang recipient kaya biniyayaan din sya. Humanity at its best. God bless you Pia and your loved ones.”

Post a Comment

Previous Post Next Post